Mag-asawang Magsasaka na Lubog sa Utang Noon, Ngayon ay Nakapundar ng Bahay, Lupa at Mga Sasakyan Dahil sa Ginawa nilang Ito.

Sino nga ba ang hindi nakaranas na mangutang? Siguro yung mga taong ipinanganak na ubod ng yaman. Pero para sa mga simpleng mamamayan normal na lamang ang magkaroon ng utang kapag ginigipit at babayaran din naman.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Minsan nagkakaroon tayo ng malakihang utang dulot rin ng mga hindi inaasahang gastusin lalo na yung mga emergency na kaso. Sa dami ng problema, nababaon na lang din sa utang yung iba. Subalit, ito ay hindi batayan para sabihin mong hanggang dyan ka nalang.

Habang may buhay ay may pag-asa, kung kaya’t baon ka man ngayon, baka bukas ay naaayon sayo ang ihip ng panahon. Katulad na lamang sa kwento ng buhay ng mag-asawang ito na talagang kapupulutan mo ng aral at inspirasyon.

Ito ay isang matagumpay na kwento ni Nanay Helen Cullo ng Aklan. Ayon sa kanya, lahat daw ng hirap ay naranasan niya at ng kaniyang buong pamilya. Napalayas sila sa kanilang inuupahang bahay noong taong 2000 dahil hindi sila nakapagbayad ng dalawang buwang upa at hindi na pinaniwalaan ng may- aria ng kanilang pangakong magbabayad sa ibinigay niyang araw.

Siya at ang kaniyang asawa ay kapwa magsasaka ng gulay at nagtitinda ng pakwan. Dahil sa liit ng kanilang kinikita, hirap silang buhayin ang kanilang 7 anak kasama ang triplets na kinalaunan ay pumanaw.

Napilitan silang ipaampon ang kanilang mga anak sa kanilang mga kamag- anakan dahil sa kagipitan.

Ilang beses sumubok si Helen ngunit ito ay nabigo. Umutang siya ng P50,000 para ipampuhunan sa negosyong indian mango at pakwan upang iangkat sa Maynila ngunit nabulok lamang ang mga ito at kinailangang itapon.

Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi siya sumuko upang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya at mabawi ang kaniyang mga anak.

Muling sumugal si Helen at nagutang ng P30,000 upang makabili ng binhi at pangpataba sa kanilang mga pananim na pakwan.

Sa wakas ay nagbunga na ang kaniyang sipag at tyaga. Sa katunayan ay kumita siya agad ng 1.2 milyon sa kanilang unang ani.

Nakabayad ng mga utang si Helen, nabawi at napag- aral sa kolehiyo ang kaniyang mga anak. Nabili din nila ang lupang kanilang inuupahan noon kung saan sila napalayas na tinayuan nila ng isang maganda, malaki at komportableng bahay.

Talagang umasenso sa buhay sina Helen, nakabili na rin sila ng mga sasakyan at mas lalong lumago at lumaki ang kanyang lupain.

You may also read:

Kilalanin: Pinakamayamang Prinsipe ng Brunei na Naghahanap ng Pakakasalan May Napusuang Pinay Celeb at Gustong Makita ng Personal Agad-agad.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment