Maliit ang chansang makakita tayo ng pera sa daan, dahil sa mahalaga ito sa bawat isa kaya iniingatang wag itong mawala. Kaya kung may mga pagkakataon mang makatagpo tayo ng pera ito ay maituturing isang swerte.

May mga tao na kapag nakapulot ng pera o anumang bagay ay agad sinasauli ito sa malapit na presinto, yung iba naman ay agad na pinambibili o tinatago ito.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Pero paano nga ba kung wala kang pagsauli-an ng perang napulot mo? Ano nga kaya ang nararapat na gawin dito?

Tunghayan ang isang karanasan na kanilang ibinahagi sa social media:

Isang Facebook user na kinilala bilang si Marvin Tan Juan Pigalan ay maswerteng nakapulot ng pera sa daan na may halagang Php500. Dahil hindi niya alam kung sino ang nakalaglag at nagmamay-ari nito, nagpasya na lamang na gamitin ang pera para tumulong sa mga mahihirap.

Pumunta siya sa isang grocery store at saka ginamit ang napulot na pera para bumili ng mga pagkain tulad ng canned goods, instant noodles, at mga tinapay. Ang lahat ng kanyang mga nabili ay pinaghiwa-hiwalay ito sa mga plastic bags. Matapos ay ipinamahagi niya ito sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Sa kanyang post, nais niyang ipabatid na kung sino man ang nagmamay-ari ng nagpulot niyang pera ay ginamit na lamang niya ito upang makatulong sa taong nangangailangan. Ibinahagi niya ang kanyang mga nabiling groceries sa mga taong mahihirap at walang tahanan.

Ito ang kanyang naging pahayag: “Yung may ari ng 500 na napulot ko wag kang mag-alala nawala mo man ung pera pero nakatulong ka naman sa mga taong nangangailangan , hindi na rin kasi kita makita para ma-isoli ko sayo kaya ganyan na lang ginawa ko.”

Samantala, maraming netizens naman ang humanga sa ginawa niya dahil gumawa siya ng tama at mabuti sa kanyang kapwa at hindi niya pinaka-interesan sa kanyang pansariling kagustuhan lamang .

Ang pagdedesisyon niyang gumawa ng tama ang naging kahanga-hanga sa kanya.

You may also read:

Netizen na Tinaguriang “Hulog ng Langit!” Tinulungan ang Matandang Hindi Kayang Mabili ang Gamot.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment