Di inaasahan ng mag-asawa na ganito ang kanilang kahahantungan sa pagsilang ng kanilang ikatatlong anak. Kinilalang si Troy ang lalake at Erika naman ang babae na mula sa Ontario, Canada.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Inaasahan ng asawa na makaabot sa hospital na tinatantyang sampung minuto ang byahe mula sa kanilang tahanan ang paglalabor ng asawa. Nasa byahe na sila sakay ng kanilang sasakyan patungo sa hospital ng di nila inaasahan ang sumunod na nangyari.
Itinabi ni mister ang sasakyan dahil mukhang lalabas na talaga ang bata sa sinapupunan ng kanyang misis. Sigaw ng misis, “I gotta push” na nangangahulugang palabas na ang sanggol. Iginilid ng mister ang sasakyan at tinulungan ang misis sa panganganak.
Habang umi-ere ang ginang ay nasa linya ng emergency hotline ang mister kausap ang isang midwife. Maingat na ginabayan ng midwife ang mag-asawa sa paglabas ng bata. Nang lumabas ang bata, nilagay ito kaagad sa bisig ng kanyang ina, ngunit hindi ito umiiyak. Tanong ng midwife na nasa linya, “Is the baby crying?”.
Sumagot ang mag-asawa na bakas ang pag-aalala ng, “Not yet”.
Marahan na sinabihan ang mag-asawa na huwag mag-alala at huwag humatak ng anuman na siya namang ginawa ng mag-asawa. Dahan dahang hinimas ng mag-asawa ang bagong silang na sanggol at pagkalipas ng ilang sandali ay umiyak din ito.
Rebelasyon ng mag-asawa, and 20 segundo na hindi pag-iyak ng sanggol mula nang isilang ito ay ang pinakamahabang 20 segundo ng kanilang buhay. Kaya nang marinig nila ang iyak ng kanilang bunso ay labis ang kanilang galak.
Hindi kalaunan ay may dumating na ambulansya upang rumisponde.
Kakaiba ang kanilang naranasan kung kaya’t proud silang ibinahagi ito sa social media.
You may also read:
Netizen na Tinaguriang “Hulog ng Langit!” Tinulungan ang Matandang Hindi Kayang Mabili ang Gamot.
0 comments :
Post a Comment