Apo Humihingi ng Tulong para sa 111-Anyos niyang Lola na isang Centenarian na Hanggang Ngayon ay Di Pa Natanggap ang P100,000 Mula sa Gobyerno.

Bilang pagkilala at pagbibigay pugay para sa mga kababayan nating matatanda at naka abot ng edad na 100-anyos. Ang pamahalaan ay naglaan ng kaukulang budget para sa kanila na kanilang matatanggap pag sumapit ang ika 100 nilang kaarawan, at ito ay ang tumataginting na P100,000.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Ito ay naka base sa Republic Act No.10898, ang sino mang Pilipino na aabot sa edad na isang daang tao ay mabibigyan ng cash gift na nagkakahalagang P100,000.

Subalit, hindi pala ito maibibigay kaagad sa mga nagdiwang ng kanilang ika 100 na taon, katulad na lamang daw sa lola ng netizen na ito na kinilala kay Lola Juana Pulga na ngayon ay nasa 111-anyos na nitong Mayo 20 lamang.

Kaya humihingi ng tulong ang kanyang apo na si Kathlyn Acudesin na sana ay matulungan sila upang ma claim ng kanyang lola ang nasabing pera bilang centenarian gift dahil halos 11 taon na ang nakalipas.

Nakatira umano si Lola Juana sa San Jose Del Monte, Bulacan. Nasa pamamalagi ng kanyang anak na si Danilo Pulga ang naturang centenarian. Humihingi siya ng tulong na makuha ang pera upang maipangbili sana ng mga gam0t at prutas ni Lola Juana.

“Magandang Araw po sa inyong Lahat Humihingi po Sana ako ng konteng Tulong para po sa Aking Lola na si Juana Pulga Kasalukuyan po siyang Nakatira sa kanyang Anak na Si Danilo Pulga na Nakatira po Sa BLK 60 LOT 14 BB-3 SAN JOSE DEL MONTE BULACAN. Ang Lola ko po ay isang Centenaryan Ang kanya pong Edad Ay 111 po ngayong Darating Na Mayo 20 ,2021.

“Kasalukuyan hindi pa po siya nakakatanggap ng 100,000 Sana matulungan niyo po Kami Kahit Pambili lang po ng Prutas Gatas at Pampers nya po . Maraming Salamat at Godbless po Contact Number: 09530663160 Pashare Naman po Ng Post ko Salamat po”

Sana ay mabigyan ng pansin ang panawagan na ito para kay Lola Juana. Paki-share po ang naturang post upang maipabot ito sa lokal na pamahalaan dahil kinakailangan din ni Lola ng pinansyal na suporta upang mas humaba pa ang kanyang buhay.

You may also read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment