Netizen, Bumuhos Ang Luha ng Makausap ang Nakakaawang Matanda, Kanyang Tanging Hiling ay “Pamilya”.

Isang Facebook post ang ngayon ay kumakalat sa social media kung saan makikita ang isang nakakaawang sitwasyon ng matandang babae na nakahiga na lamang sa malamig na sahig at mukhang walang may nag-aalaga.

You may also read:

Mga Pinay,Hinahanap Ngayon at Gustong Mapangasawa ng mga Lalake sa Denmark, dahil sa limitadong Populasyon Doon.

Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.

Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.

Ang nasabing post ay nagmula sa Heaven Elements na Facebook Page, ayon sa nag upload ng naturang larawan, di niya daw napigilang maluha sa nakitang sitwasyon ng matanda. Narito ang kanyang pahayag:

“Habang naglalakad ako kahapon, biglang napatigil ang mundo ko. Nang makita ko ang sitwasyong kinalalagyan ng matandang nakahiga sa malamig na semento. Dahil sa awå na nadarama ko, napaluha ako. Umupo ako sa tabi niya, nilagyan ko ng 100 pesos yung latang nasa harap niya. Mas lalo pang bumuhos yung luha ko ng sabihin nyang “Anak, salamat. Kaawaan ka ng diyos.” Wala akong masabi. Tulo nalang nang tulo yung luha ko.

“Tapos maya-maya, tinanong ko sya, ‘Lola, kung bibigyan kita ng isang pagkakataong tuparin yung hiling mo, anong hihilingin mo?’ Tumingin sa akin yung matanda, at bigla syang umiyak.. Sabay sabi, ‘Gusto ko ng PAMILYA.’ Napayuko ako sa sobrang lungkot. Umiyak… Niyakap ko yung matanda. Sabi niya, ‘Anak, baka madumihan ka.’ Hindi ako umimik at niyakap ko sya ng mahigpit.

“Ilang minuto ang lumipas, may kinuha syang litrato, litrato ng pamilya niya. Buo at masaya. Tinanong ko sya ulit.. ‘Nay, nasaan na ba yung pamilya mo?’ Hindi sya umimik at tinuro nalang niya sa itaas na ang ibig sabihin.. [email protected] na. Sa pag alis ko, kinuhaan ko sya ng litrato. Binilhan ko sya ng tubig at tinapay. Nang ibinalik ko yung litrato ng pamilya nya, nilagyan ko ng 500 pesos para sa gastusin nya sa pagkain.

“Tulungan natin si Lola sa pamamagitan ng dasal. Panginoon, humihingi po kami ng paumanhin sa lahat ng kasalanan na nagawa namin sa isip man o sa gawa. Hinihiling po namin na tulungan nyo po ang mga taong nangangailangan. Lalo na po yung mas mabigat ang dinadala. Panginoon, kung wala ka, wala rin kami. Kaya lubos po kaming nagmamakaawa sa gabay at patnubay sa bawat bukas na aming haharapin.”

You may also read:

Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment