Marami sa ating mga kababayan ang may mahirap na pamumuhay, at sila ay kadalasan yung mga nasa hindi abot ng ating Pamahalaan. Pagsasaka ang tanging kanilang hanapbuhay at madalas ay naapektuhan pa ang ani dahil sa pabago-bagong klima ng panahon.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Sila dapat ang bigyang pansin ng ating pamahalaan at bigyang suporta ang kanilang hanapbuhay dahil ito rin ang bumubuhay sa ating mga kababayan. Lakas ang kanilang laan sa pang-araw araw nilang pagtatrabaho at minsan kapag dumating ang ani nito, nabibili pa sa mas mababang presyo.
Maliit lamang ang sahod kapag ikaw ay nagtatrabaho sa sakahan, kaya ang iilan ay gumagawa na rin ng kanilang diskarte upang magkaroon ng extra income. Ito ay pagtitinda ng mga gulay at prutas katulad ng isang matandang lalake sa larawan. Buhos man ang ulan ay nagtitiyagang nagbabantay si lolo sa paninda nito.
Ayon sa ipinost ng Isko Moreno Supporters Facebook Page noong Mayo 17, ay nananawagan ito sa mga netizens na sana ay huwag ng humihingi ng discount sa mga kagaya ni Lolo dahil maliit lang din ang kinikita nila. Ang nais lamang nila ay makaraos sa pang araw-araw at may makain ang kanilang pamilya.
Marami naman sa mga netizens ang naantig sa larawan ni Lolo at may ilan pa na naka-relate sa kanya na magsasaka rin at pinipilit na makaraos sa kahiråpan ng kanilang buhay.
“yes may father is a farmer and i am so proud.they provide food.even if the price of vegetable are not enough for their sacrifice,” ayon sa komento ng netizen.
“Ang tatay ko ay isang magsasaka ng palay at aking ina namay nagtatanim ng mga halamang gulay upang maibenta sa palengke,,proud po ako sa kanila at nagpapasalamat Dahil sa kabila ng lahat naitaguyod Nila kaming magkakapatid,,..at maging ako proud din ako sa Sarili ko Dahil naranasan ko ding magbenta sa palengke ng ibat-ibang klase ng gulay at Alam nyo po ba kahit marangal po ang aking hanapbuhay ay sadyang may mga tao talagang mababa ang tingin sa mga kagaya naminhabang nag Aaral po ako ng elementarya natuto po akong maghanap ng pera para matulungan ko ang aking mga magulang and I thank God Kong San man ako ngayon..ginawa kong inspirasyon yong mga taong dati minamaliit ang kakayahan ko.SO STOP BEING A BARAT O KURIPOT BUYER PO!!alam ko Kong gano kahirap ang magtanim at magbenta ng mga halamang gulay,” komento pa ng isa netizen.
Huwag baratin o humingi ng malaking discount kapag bibili sa mga farmers na nagtitinda ng sarili nilang produkto, o kaya sabihin sa kanila na mas mura ang mamili sa palengke o supermarket. They are often the same people who grew that food, which is a lot of work.”
You may also read:
Mga Netizens Napaluha sa Kwento ng 10-anyos na Batang Nag-aararo na Para Ibuhay sa Pamilya.
0 comments :
Post a Comment