Sa isang tinatawag na Pamilya, ito ay binubuo ng Ama, Ina at mga anak. Ang ama ang siyang haligi ng tahanan kung kaya’t nakatayo ang isang pamilya dahil sa kanyang katapangan. lakas at sipag na mapanatiling nakatayo ang pamilya.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Ang ina nag siyang ilaw ng tahanan, ito ang nagbibigay buhay sa pamilya,ang naibibigay na pera ng ama ay kanyang kino-convert sa masustansyang pagkain at mga makabuluhang bagay sa loob ng bahay.
Subalit, paano kung wala ng haligi ang tahanan? Tiyak na mapipilay ang isang bahay at hindi na ito balanse. Kaya bilang ilaw ng tahanan, ay siya rin ang tumatayong haligi nito kapag wala ng ama ang pamilya. Dalawang role ang kanyang ginagampanan kung kaya’t napakalaking sakripisyo ito para matustusan ang pamilya.
Bilang babae, limitado daw ang kanilang magagawa dahil mahina sila kumpara sa mga lalaki, ngunit hindi sa panahong sila ay nagsusumikap para sa pamilya. Walang mahirap na trabaho, pangbabae man o panglalake ito, gaya ng construction worker, welder, at pagiging driver.
Isa na rito ang kwento ni Lelibeth Javillo, isang ulirang ina na naging isang tricycle driver para sa ikakabuhay ng kaniyang pamilya.
Ang kwentong ito ay ibinahagi ni Bryan Celeste sa kaniyang facebook account. Si Lelibeth ay may 3 anak na parehong sabay na nag-aaral, tanging pagluluto lamang ng iba’t ibang meryenda na kaniyang ibinibenta sa paaralan ang kaniyang ikinabubuhay.
Ayon kay Lelibeth, gumigising siya ng alas-dos ng madaling araw upang magluto ng mga pagkain na kaniyang ibebenta. Kasabay rin siyang pumapasok ang kaniyang mga anak sa paaralan, ngunit ang kaniyang pagtitinda ay hindi pinalad dahil nagkaroon ng paghihigpit sa mga tindera ang paaralan na kaniyang pinagtitindahan.
Kaya dahil dito, napag-isipan niyang bumili na lamang ng motor na hulugan upang kaniya itong magamit sa pagpapatuloy ng kaniyang pagtitinda. Dagdag ni Lelibeth, nag-iikot siya sa lugar ng Alaminos upang makabenta, hanggang dumating ang oras na naging mahina ang kaniyang kinikita sa pagtitinda. Dahil dito, naisipan niya na lamang maging kasapi ng TODA upang pasukin ang pagta-tricycle driver.
Noong una, medyo naninibago raw siya dahil siya lamang ang nag-iisang babae na tricycle driver sa kanilang lugar at naranasan pa raw niyang nag-iisa lamang sa paradahan habang naghihintay ng mag pasahero.Dahil sa ganitong uri ng trabaho ni Lelibeth, ay nilakasan raw niya ang kaniyang kalooban para sa kaniyang mga anak.
Sa naging tulong ng kaniyang mga kasapi ay nakayanan niya ang pagiging isang tricycle driver at hanggang ngayon siya pa rin ay namamasada. Sa panahon ngayon, kaya na rin ng mga babae ang gawain ng mga kalalakihan.
Hindi na mahalaga ang kasarian, basta’t ang importante ay magkaroon ng hanapbuhay para sa kinakabukasan ng pamilya. Ang pagod ay laging andyan, pero kung laging iisipin ang mga anak na umaasa sa isang ina ay balewala ang pagod sapagkat ang isang ina ay laging handang gawin ang lahat para sa kaniyang mga anak.
You may also read:
Netizen, Bumuhos Ang Luha ng Makausap ang Nakakaawang Matanda, Kanyang Tanging Hiling ay “Pamilya”.
0 comments :
Post a Comment