Kung masipag ang mga Pinoy, ang mga Indiano o mas kilala sa tawag na “Bumbay” ay may angking kasipagan rin dahil sa kanilang paghahanapbuhay sa ating sariling bansa. Ang ibang kababayan natin ay pumupunta sa ibang bansa upang magtrabaho, pero samantalang sila na mga Indiano at ibang Tsino ay dumadayo naman sa ating bansa para dito maghanap ng pera.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Sabi nila may Pera daw sa Pinas, tayo lamang mga Pinoy ang hindi nakaka alam paano ito hanapin. Totoo nga kaya? dahil marami sa mga Pinoy ay sala’t sa buhay kung kaya ay naging masugid na suki ng mga Bumbay sa kanilang mga pautang na paninda o kaya ay pera.
May naitulong din sila sa ating mga kababayan dahil sa perang kanilang pinapahiram ng walang pag-aalinlangan, naging kapital ito ng iilan upang magsimula ng kanilang negosyo. Minsan nga ay tinatakbuhan pa sila at hindi binabayaran pero patuloy pa rin sila sa kanilang negosyo.
Kaya ngayong pandemya, malaki ang naitulong nila sa mga walang trabaho nating kababayan, pero apektado rin ang kanilang paniningil dahil sa walang maibabayad ang iilan dulot ng kawalan ng trabaho.
Pero hindi ito naging hadlang para sa mga Indiano na magbigay pa rin ng tulong sa mga kababayan nating malubhang apektado. Mayroon silang grupo na tinawag nilang “Makataong” Bumbay sa Bulacan na siyang namimigay ng tulong.
Ang mga Bumbay na ito ay nagbahay-bahay din sa kanilang mga kustomer at iba pang mga tao. Sa halip na maningil, namahagi sila ng mga relief goods na makakasapat naman sa ilang araw ng pangangailangan ng mga tao.
Sumikat naman sa FB ang ginawa na ito ng mga Bumbay. Ibinahagi ng Master Epong FB page ang 25 larawan ng mga Bumbay habang namamahagi ng relief goods. Sumikat din naman ang memes sa FB na nagsasaad,
“Di kami singil, tulong muna kami. Mahal namin Pinoy!”
Ayon sa post ng Master Epong,
“Pasikatin natin itong grupo ng mga bumbay na ‘to. Sa halip na maningil ng mga pautang ay namigay muna sila ng mga relief goods sa mga customer at ibang kababayan natin na kinakapos dahil sa lockdown. Pinairal muna nila ang pagiging makatao bago negosyo dahil sa krisis na pinagdadaanan natin sa C0VID-19.”
Marami naman ang natuwa at naantig sa kabutihang ipinamalas ng naturang grupomg ito ng mga Bumbay. Bagaman nagpunta sila dito sa Pilipinas para mag-negosyo, makatao naman silang tumutulong sa panahon ng krisis kaya naman nakatanggap sila ng respeto mula sa mga Pilipino.
You may also read:
Huwag muna Itapon Ang Pinaghugasan ng Bigas dahil may Nakakamanghang Gamit pa Ito.
0 comments :
Post a Comment