Isa ang face mask sa pinakamahalagang bagay na dapat ay dala-dala ng tao saan man sya magpunta sa ngayon, Ito ang isang pananggalang laban sa kumakalat na v1rus. Kaya malaki ang demand nito ngayon sa buong mundo, at hindi nga pinalampas ng ilang mapagsamantalang tao.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Dahil lubusan itong kailangan ng iilan, may isang factory na ginagawa ang pagre-recycle ng mga nagamit na face mask para ibenta ulit.
Ito nga ay panangga natin sa v1rus, at sa gawaing ito ay mukhang mas malalagay sa kapahamakan ang kalusugan ng taong makabili nitong muli.
Ayon sa ulat:
Isang factory sa Nonsuong Sub-district, Saraburi Province, Thailand ang inireklamo dahil umano sa pagrerecycle ng gamit nang facemask. Dahil sa reklamong ito, ni-raid ng awtoridad ang naturang pabrika noong lunes at tumambad sa kanila ang ilegal na gawain ng pabrika.
Ayon naman sa report ng The National Thailand, aktuwal na nahuli ng mga awtoridad ang mga manggagawa ng pabrika na pina-plantsa ang ‘nalabhang’ gamit na facemask para magmukha itong bago.
Gayundin, isinisilid naman nila ang naplantsang mga face masks sa mga mga kahon.
Narekober din naman nila sa loob ng pabrika ang isang washing machine na hinihinalang ginagamit nila sa paglalaba ng gamit na facemask.
Sa isinagawang imbestigasyon ni Somsak Kaewsena, district chief officer sa Wi-handaeng sa mga naarestong manggagawa, inamin nila na nakatanggap sila ng used na facemask mula sa isang dealer at hindi rin nila alam kung saan nanggaling ang mga ito.
Binabayaran naman sila ng isang baht ( o 4 na Singaporean cents) kada piraso ng facemask. Ayon pa sa mga manggagawa ng naturang pabrika, nakakapag-produce sila 300 to 400 recycled facemask kada tao sa isang araw.
Ipinasuri naman ng awtoridad ang mga ni-recycle na facemask sa Ministry of Commerce upang matunton ang pinagmulan ng mga ito.
Hinihimok naman ni Somsak Kaewsena ang Wihandaeng Public Health Office na magsampa ng kaso sa naturang pabrika yamang ang kanilang ilegal na gawain ay puwedeng magdulot ng sakit sa mga makakabili nito pati na sa mga kalapit na komunidad nito.
You may also read:
Huwag muna Itapon Ang Pinaghugasan ng Bigas dahil may Nakakamanghang Gamit pa Ito.
0 comments :
Post a Comment