Viral ang kilalang fastfood chain na Jollibee nitong mga nakaraang linggo dahil sa naging isyung kanilang hinarap patungkol sa kumakalat na fried towel na balita.
You may also read:
Look: Bunganga Ng Bulkang Mayon, Tinakpan ng Hugis Payong Na Ulap.
Lolo na Nakatulog Habang Nagtitinda ng Saging,Pinuri dahil sa Kasipagan at Umantig sa mga Netizens.
Halos apektado ang operasyon ng nasabing branch dahil sa naging rebelasyon ng customer nilang ito. May mga nagkomento ng negatibo at mayroon namang nakaintindi sa sitwasyon na sana daw ay di na pinalala dahil parang sinira din natin sa ibang bansa ang imahe ng kompanya na siyang may malaking tulong sa ekonomiya. Pwede namang magreklamo direkta sa namamahala at palitan na lamang ang chicken, dahil wala namang kakain sa towel na yun, kung hindi na resolba sa ganung lebel ay tsaka ito ipadinig sa nakakataas.
Pero kahit ganun pa man, may mga loyal na customer pa rin na patuloy na tinatangkilik ang nasabing fast food. Isa itong lugar kung saan naging saksi sa bawat selebrasyon sa buhay ng mga Pilipino.
Ngunit, taliwas sa tagline ng Jollibee na ‘Bida ang Saya’ tila isang nakakalungkot na mensahe ang natanggap ng mga staff ng isang Jollibee branch sa bansa dahil na rin sa pamamaalam na mensahe na galing sa isang customer.
Noong nakaraang buwan, naantig ang puso ng mga Jollibee crew sa Taguig City maging ang mga netizens dahil sa mensahe na ibinigay ng isang babaeng customer.
Ito naman ay ibinahagi ng isang staff ng Jollibee na si Mark Noguera sa kaniyang socmed account.
Pagbabahagi ni Mark, isang babaeng nasa edad na 20 ang umupo sa isang bakanteng table bandang 3 ng hapon sa Jollibee Signal Village Branch sa Taguig.
Nang matapos na daw ito sa pagkain, pinuntahan naman ng isang crew ang table nito at ito ay nilinis. Habang ito ay nililinis ng crew, mayroong isang tissue sa table ang nakapukaw ng atensyon niya dahil tila mayroong mensahe dito na iniwan talaga ng babae para sa Jollibee.
Basahin ang mensahe ng babae:
“Huling Jollibee ko na to :). Pinagbawalan na akong kumain ng unhealthy foods ng doctor ko. Na-diagnosed kasi ako ng C–R Stage 2 sana gumaling agad ako para di ko masyadong mamiss ang pagkain dito. Thank you Jollibee sa uulitin :)”
Matapos namang mabasa ang mensahe ng babae, tila mayroong kumurot sa puso ni Mark at sa kapwa niya mga crew at sila ay nalungkot dahil sa mensaheng iniwan ng hindi pa nakikilalang babae.
Saad naman ni Mark sa caption ng kaniyang post:
“To ate customer na nakasalamin na nasa 20+ pa lang yung age at kumain kanina sa Jollibee Signal Village around 3pm kanina, I recognize your face kasi ako po yung nagserve ng pagkain nyo, lahat po ng sakit gumagaling pray lang po tayo ng pray kay God kasi siya yung Great Healer of all. Malalagpasan niyo po yan at gagaling kayo claim it po. On behalf of my JBSV family, ipapanalangin po namin ang agaran niyong pag galing and we wanna give you warm hugs if possible.”
You may also read:
Babae, Hinubad ang [email protected] at Ginawang Facemask ng Palabasin ng Guard sa Grocery Store.
0 comments :
Post a Comment