Sa tinatawag na negosyo, walang time frame na kailangang e-comply. Kailangan lamang ay tamang diskarte, lakas ng loob at pagpupursige. Sabi nga nila, ang pinakamalaking aral na ating matututunan sa buhay ay yaong atin mismong pagkakamali. Kaya’t kung tayo man ay nadapa, bumangon at lumakad patungo sa pangarap.
You May Also Read:
Isa ngang malaking halimbawa at inspirasyon sa ngayon ang buhay ng isang binatang 17-anyos pa lamang na mula sa Mendez, Cavite. Marami sa atin ang sumubok ng magnegosyo ngunit inaabot na ng dekada ang iilan pero hindi pa rin naka usad sa kanilang buhay.
Subalit, ang binatang ito ay napalago daw ang kanyang negosyo sa loob ng anim na buwan lamang at ngayon ay libo-libo na ang kita nito.
Siya ay kinilalang si Josh Mojica, naging kilala ang kanyang negosyong kakaiba na Kangkong Chips na nagsimula noong June 2021. P3,500 lamang ang kanyang naging paunang puhunan na kumikita ng 5,000 kada araw at nasa P150,000 nga kada buwan.
Marami ang bumilib sa kanya dahil sa kanyang edad ay ganito na ang kanyang narating sa kanyang negosyo. Ayon nga sa kanya, Nagpaturo siya sa pagluto ng kangkong sa kanyang tita. Inilalako umano niya ito sa kanyang mga kaibigan at kakilala. Hanggang sa dumami ng dumami ang kanyang nakukuhang orders.
Hands on ang binata sa kanyang negosyo dahil gumigising pa ng maaga para magluto. Hanggang sa tumagal ay nagpatulong na siya sa kanyang mga pinsan at kalaunan ay nag-hire na siya ng makakatulong.
Mga kaibigan rin ng binata ang kanyang mga kasama at pawang mga estudyante rin. Samantala, hindi naman pinapabayaan ni Josh ang kanyang pag-aaral.
Nakarating na rin sa iba’t ibang lugar ang kangkong chips ni Josh at kahit sa ibang bansa ay nakapagbenta na rin siya doon.
Marami namang netizen ang na-inspire sa kwento ng tagumpay ng binata. Nakakahanga naman talaga ang kanyang kasipagan at dedikasyon sa kanyang ginagawa. Lahat ay pwedeng magtagumpay basta’t may pangarap, sabayan rin ng pagsisikap.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment