Isang Matandang Bulag, Umaakyat sa Puno ng Kawayan at Nangunguha Para Gawing Alkansya Kahit na Nasa Peligr0 ang Kalagayan nito.

Marami sa atin ang kadalasang nagrereklamo sa buhay dahil sa mga hindi natin kayang maabot na mga pangarap. Pero kung atin ngang iisipin, napaka swerte pa rin natin dahil nabuhay tayong walang kulang at mali sa ating physical na pangangatawan.

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Dahil may mga taong kulang man ang parti ng kanilang katawan, hindi ito naging hadlang upang mabuhay at naniniwalang maaabot ang kanilang pangarap sa buhay.

Ito ang naging kwento ng isang kababayan nating bulag na kinilala kay Ening, na ang kanyang hanap-buhay ay ang paggawa ng alkansya mula sa kawayan na siya pa mismo ang umaakyat sa puno at gumagawa nito para kanya ring e benta.

Sa sitwasyon ni Tatang Ening, maraming mga manunuod ang napaluha at naawa sa kanyang kalagayan. Ito lang umano ang kayang gawin ni tatang kaya naman kahit na pelιgroso ay ginagawa pa rin niya para kumita.

May edad na si tatang kaya delikado na para sa kanya ang pag-akyat lalo pa at isa pa siyang PWD. Gayunpaman, pinatunayan ni tatang na kahit ganoon ang kanyang kalagayan ay may ibubuga pa rin siya.

Saad ni tatang Ening, alam niya na delikado ang kanyang ginagawa ngunit kailangan pa rin niyang gawin upang masuportahan ang kanyang pamilya.

“Hindi na ako nakakakita. Mahirap umakyat sa puno ng kawayan. Pero kung hindi ko ito gagawin, wala kaming makakain.”

“Bahala na kung mahulog at magkapilay-pilay ako. Mahihilot din naman at mawawala,” dagdag pa niya. Kwento pa niya, ginagawa niyang alkansya ang kawayan at naiibenta niya ito sa halagang P50-P200.

Dagdag pa ni tatay, kumakayod rin siya dahil kahit na bulag siya ay nais umano niya na maging kapakinapakinabang sa kanyang pamilya.

You May Also Read:

Magkapatid, Sabay na Nagbuntis at Nanganak ng Kambal na Ikinabigla ng Lahat Dahil sa Parehong Lalaki Lamang.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment