Lalaki, Tinulungan at Pinag-aral ang Di Kilalang Babae, Makalipas ang 11 Taon, Di niya Inaasahang Ililigtas ng Babae ang Kanyang Buhay.

Marami sa atin ang naniniwala sa kasabihang ” kung ano ang iyong itinanim, ay siya ring iyong aanihin” kung naging mabuti ka sa mga tao sa iyong paligid ay ibabalik din nila ang kabutihang iyong nagawa sa kanila.

Ito nga marahil ang nangyari sa lalaking ito, na kamakailan ay naitampok ang salaysay ng kanyang buhay sa isang artikulo. Narito po:

You May Also Read:

Isang Ama Hindi Lang Iginapang Kundi Ipinadyak Pa Ang Pangarap Ng Anak, Kaya’t Magna Cum Laude Ang Natanggap.

Lalaking Tapasero sa Tubuhan, Nag TOP sa Licensure Exam at Isa ng Ganap na Guro, Sa Kabila ng Pagtutol ng Ama.

Binatilyong Nagdaos ng Kaarawan, Masaya na sa “BAHAW” na Kanin na Ginawang Cake at May Sabaw na Siyang Kanyang Tanging Handa.

Sa bansang China, isang lalaki ang tumulong sa isang babae dahil sa hirap at mga pagsubok na pinagdaanan nito nang tumama ang malakas na lindol sa lugar kung saan sila nakatira.

Makalipas ang labing isang taon, ang babaeng tinulungan ng lalaki ay isa ng ganap na doktor. At nang siya ay magkaroon ng matinding sakit, ito naman ang nagligtas sa kanyang buhay.

Kinilala ang babae na si Tam Ling. Kwento nito, ang kaniyang ama ay mayroong kapansanan habang ang kaniyang ina naman ay mayroong malalang sakit. Bilang panganay, si Tam Ling ang nag-alaga sa kanyang dalawang nakababatang kapatid.

Ngunit noong taong 2008, isang malakas na lindol na mayroong 7.9 magnitude ang tumama sa tinitirhan ni Tam Ling at ng kaniyang pamilya.

Dahil sa pangyayari, napilitan ang pamilya ni Tam Ling na makitira sa kanilang kapitbahay dahil wala rin silang sapat na pera upang ipagawa ang kanilang bahay.

Kinilala naman ang lalaki na si Zheng Hua. Humanga umano ito sa kwento ng buhay ni Tam Ling at sinabing nakikita niya ang kanyang sarili sa kalagayan nito kaya tinulungan niya ito.

Si Zheng ay lumaki umano sa hirap kaya alam nito ang hirap na pinagdaraan noon ni Tam Ling. Kaya nagpasya si Zheng na tulungan ito. Ibinigay niya ang kanyang cellphone number at sinabi kay Tam Ling na tawagan siya kapag nakapagtapos na siya ng high school.

Makalipas ang ilang taon, nakapagtapos na sa high school si Tam Ling. Agad tumawag ang ama nito kay Zheng upang ipaalam ang magandang balita. Inirekomenda naman ni Zheng si Tam Ling sa isang medical school at binayaran narin nito ang tuition fee niya para sa unang taon.

Maging ang mga pangangailangan ng dalawang kapatid ni Tam Ling ay si Zheng narin ang nagbayad.

Makalipas ang ilang taon, naging isang certified optometrist na si Tam Ling.

Noong March 19, 2019, dinala sa ospital si Zheng dahil sa sakit na brain aneurysm. Mabuti na lamang at sa ospital kung saan nagtatrabaho si Tam Ling dinala si Zheng.

Kaagad inayos ni Tam Ling ang mga pangangailangan ni Zheng. Katulong ni Tam Ling ang kanyang asawa upang alagaan si Zheng. Mula sa pag-admit sa ospital hanggang sa mga check-ups nito ay sinasamahan nila ito.

Mabilis namang gumaling si Zheng dahil narin sa tulong ng mag-asawa.

“11 years ago, I put her through the medical school. Eleven years later, she saved my life! I shared this story because I want to motivate others to spread kindness!”

You May Also Read:

Magkapatid, Sabay na Nagbuntis at Nanganak ng Kambal na Ikinabigla ng Lahat Dahil sa Parehong Lalaki Lamang.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment