Lahat tayo ay nangangarap na maka-ahon sa buhay, at yung iba nga ay talagang may nakaka-inspire na kwento, kung nagawa nila ay pwede rin nating subukan, dahil sa buhay na ito ang pagkaroon ng karanasan ay siyang malaking leksyon na ating natutunan.
Talaga ngang nakaka-inspire ang kanilang success story na mula sa 2,000 ngayon ay nasa 2 milyon na ang kanilang pera.
You May Also Read:
Narito po ang kanilang kwento:
#PesoSenseSuccessStory
2000 na puhunan noon. 2 million na ngayon. Hello po peso sense gusto ko lang po ishare sainyo kung pano kami kumita sa pag oonline selling. Medyo mahaba lang po ito. (Pahide nalang po ng identity ko)
5 yrs ago pinautang ako ng tatay ko ng 2k para pampuhunan sa mga cosmetics. Mula samin hanggang manila minomotor namin (senior na sya) para lang pumickup ng items. Sa pa 50 pesos na tubo pag pinagsama sama lumalaki hanggang sa pati pag rrtw pinasok na namin. 200+ na rtw nakalagay sa apat na plastic nakapatong sa mga hita at unahan ng motor nya para lang iuwi samin mula sa taytay. Aabutin kmi ng ulan o kainitan ng araw. Pinakamahirap pa makipag gitgitan sa malalaking sasakyan na kasabay namin.
Doon ko talaga sinabi sa sarili ko na pag kumita ako bibili ako ng sasakyan para dna namin kelangan mag motor. Nakaipon naman kami nakapundar ng sasakyan hanggang sa sumosyo na ang ate ko sa pag rrtw pero nabuntis ndn ako at nakunan sa sobrang stress at pagod sa pag titinda kaya umalis ndn ako sa pag rrtw.
2018 sinabak naman namin ang pag bubuy and sell ng mga cellphones katuwang ko naman ang asawa ko. Masaya na kami makakabenta kami ng 1 o dawalamg piraso sa isang araw jackpot na para samin ang 5 units. Pero syempre dahil manganganak na ko kelangan na talaga namin magfocus sa kung san kami mas giginhawa kaya nagresign ang asawa ko para makapagfocus sa pag bubuy and sell. (Salamat sa asawa ko na nag giveup sa trabaho nya para sa pag oonline selling namin) Salamat sa Dyos kahit papano nakapagpagawa kami ng bahay kahit simple pero naubos dn ipon namin hehe.
2020 bago ang pandemic medyo nakarecover ndn kami nakapagipon na ulit kahit papano pero nung biglang nagka pandemic at nag announce na mag eecq lahat talaga tayo naapektuhan. Pra bang pansamantalang tumigil ang mundo naten lahat. Isang buwan kaming tengga sa bahay hanggang sa naisipan ko na kontakin ang supplier ko.
Simula noon yung 5 units namin sa isang araw umaabot ng daan piraso araw araw. Madaming naapektuhan ngayon may pandemic malaking blessing na yung matatapos ang taon na andito pdin tayo sa mundo pero nagppasalamat ako sa Dyos na ginawa nya kaming productive mag asawa sa panahon ng pandemya. Nakapundar ndn kami ng lupa sa subd. Natubuan nadin namin ang tatay ko ng 700k (sinosyo namin sya ngayon pandemic) nakabili kami ng sasakyan pero secondhand lang hehehe. At nakapag ipon ndn kami para sa 2021 makapagpundar ulit ng lote May ipon challenge din pala kami tuwing d kami lalabas at gagastos hinuhulog namin sa alkansya
Isa tong page na to sa nagiinspire saken mag ipon. Maraming salamat peso sense dahil sa kakabasa ko dito nagkaron ako ng inspirasyon pra mag ipon at magpundar.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment