Isa sa masayang selebrasyon ng mga Pinoy ang pagdaos ng Kaarawan, dahil muling magkakasama-sama ang buong pamilya kahit pa man simple lamang ang handaan.
You May Also Read:
Subalit, para sa isang Amang ito imbes na kanyang pamilya ang kanyang makakasama, mga katrabaho na lamang niya ang sumama sa kanya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Bilang responsableng ama, lahat ng trabaho ay papasukin basta’t marangal upang may maipakain sa pamilya. Kahit malayo ito sa piling ng kanyang mga anak at asawa handa nilang gawin alang-alang sa pagtupad ng kanilang pangarap.
Kung kaya’t kahit kaarawan ni Tatay ay mas pinili nitong ipadala ang kaniyang kinitang pera para sa kaniyang pamilya at sinabing okay lang ito na hindi na muna mag handa at humingi ng pasensya sa kaniyang pamilya na hindi muna makakauwi dahil hindi sapat ang kaniyang kita.
Narinig ito ng kaniyang mga katrabaho kung kaya’t patago silang nag ambagan upang mabilhan ng cake at coke ang kanilang kasamahan.
Na surpresa ang ama sa ginawang ito ng kaniyang kasamahan lubos ang pasasalamat nito dahil kahit papaano ay naibsan ang kaniyang kalungkutan na hindi mairaos ang kaniyang kaarawan kung kaya’t pinagsaluhan nila ang biniling pagkain at kumain ng sabay-sabay.
Ang sarap sa pakiramdam kapag may mga ganitong uri ka ng kasamahan, yaong handang magbigay ng tulong kahit sila rin minsan ay kapos sa buhay. Patuloy na pagpalain sana ang katulad po ninyo at makamit ang pangarap ng bawat isa.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment