Gagawin ng isang ama ang lahat, mabigay lamang ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Ito ang pinamalas ng isang netizen na kung saan marami ang naantig sa kwento ng kanyang buhay.
You May Also Read:
Isang netizen na kinilala kay Juno Buena ang nagbahagi ng kwento ng isang tatay na nagpapapalit ng barya sa isang store sa Anonas.
Ayon sa kwento ni Buena, ang pera na umabot sa halos P1,000 ay nakuha ng lalaki sa pagkanta sa lansangan.
Hinangaan niya ito at dinagdagan ng tulong matapos malaman na ipapadala ng lalaki ang naipong pera sa kaniyang anak na nasa probinsya.
Aniya sa post sa social media, “Matuto sana tayong magpasalamat sa kung anong mayroon tayo, kasi si tatay nagpapakahirap magtrabaho para sa magkaroon ng mga barya, tapos tayong may mga trabaho at may maayos naman na sweldo, madalas nagrereklamo pa.”
Umabot sa 1k ang naipong barya ni tatay sa pagkanta nito sa lansangan, masaya ang ama dahil mayroon siyang maipapadala sa kaniyang anak sa probinsya.
Hindi naman kasi lahat ay biniyayaan ng magandang buhay lalo na kapag lumaki kang hirap na hirap ang iyong mga magulang. Pero hindi pa naman huli ang lahat at baka nga ang kanyang anak ang aahon sa kanila sa kahirapan.
Wag tayong sumuko sa mga pangarap dahil tayo mismo ang gagawa ng paraan para maisakatuparan ito.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment