Doble ang sakit na nadarama ng isang magulang kapag nakita niya ang malubhang kalagayan ng kanyang anak, kung maaari nga lang ay sila na mismo ang magdaramdam ng sakit na iniinda ng kanilang mga anak.

Lalo pang mas naging masakit ito kung sala’t sa buhay din ang estado ng mga pamilyang may ganito pang klaseng problema. Katulad nga ni Mang Rolando Niangar kung saan ang anak nitong si Jewelyn ay maysakit.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Habang buhay na gamutan ang syang kinakailangan ni Mang Rolando  para sa kanyang anak na si Jewelyn na mayroong sᾰkit na Celebral policy minijitis bᾰcteriᾰ,mula  sa Bayan ng San Jose Del Monte, Bulacan. Doon nakatira ang mag-amang Rolando Niangar kasama ang anak nitong si Jewelyn na nanatiling nakahiga sa kanyang munting higaan.

Halos kada linggo ay buhat-buhat ni Tatay Rolando ang kanyang anak upang pumila sa ibat-ibang mga ahensya ng gobyerno upang humingi ng tulong.

Dahil na rin sa hirap ng buhay ay tinatyagaan nalamang ni Tatay Rolando ang pumila sa mga pagamutan upang mabigyan sila ng libreng gamot.

Naawa man ang ama sa kalagayan ng anak ay wala itong magawa, maging ang ama ay hindi rin magawang makapag hanap buhay dahil walang maiiwang mag bantay sa kanyang anak

Katuwang ni Tatay Rolando ang kanyang misis na pumasok bilang kasambahay sa cavite upang may maipadala ito, ₱3000 lamang ang sinasahod ng kanyang asawa kada buwan ngunit kulang na kulang ito para sa ₱4,500 na gamutan ng kanilang anak na si Jewelyn hindi pa kasama dito ang ilang mga gamot na kinakailangan para mabawasan naman ang pananakit ng katawan ng kanilang anak.

Nakakalikom naman ng tulong si Tatay Rolando mula sa mga taong nagpapaabot ng tulong sa kanila, ngunit dahil narin sa buwan-buwan na gamutan ay nauubos rin ito at muli nanamang maghahanap ang amang si Rolando upang makalikom muli ng pera .

“Naawa akong nahihirapan siya kaya napapagod narin ako sabi ko sa kanya Jewelyn paano kung mawala na ako wala na’ng mag-aalaga sayo” -Saad ng ama

Kung kaya’t nais ng ama na sana’y hangga’t nakakaya nya pang buhatin at dalhin sa pagamutan ang anak ay gagawin nya upang masupportahan lamang ang gamutan nito.

Sa mga nais tumulong upang matulungan ang mag-ama

Gcash name
Maila niangar
09482927985

Gcash name
Rolando Niangar
09634175981

RCBC
9034906306
Rolando Niangar

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment