Mag-iina na Hindi Nakabayad ng Renta sa Takdang Oras dahil sa Pᾰndemic, Pinalayas ng May-ari Kaagad.

Sa kabila ng pandemyang ating nararanasan ngayon, panawagan ng Gobyerno na bigyang konsiderasyon ang mga kababayan natin na hindi makabayad sa kanilang mga bills at mga renta sa inuupahan.

Subalit, tila hindi ito binigyang pansin ng isang tenant na ito kung kaya’t naging viral sa social media ang pangyayaring ito.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Isang larawan ng tatlong mag-iina kung saan ay pinalayas raw umano sila ng kanilang amo sa bahay na inuupahan dahil hindi sila nakapag-bayad ng renta sa nakatakdang araw o petsa.

Nakakaawa nga naman ang sinapit ng mag-iina na ito na sa gitna ng pandemic ay naranasan nilang walang matuluyang tahanan.

Ayon sa post ng netizen na si Nicole Ronquillo, hirap at wala raw income ngayon ang mag-iina matapos mawalan ng trabaho ang kanilang padre de pamilya dahil natanggal ito sa dating trabaho dahil sa pandemic na kinakaharap ng bansa.

“Mga walang awa… kawawa naman po sila pinalayas sa inuupahan nila dahil hindi nakabayad.. Alam naman nila pandemic at walang trabaho ang karamihan.” ayon sa post ni Nicole.

Banggit pa ni Nicole, naging caretaker din umano ang pobreng pamilyang ito sa bahay ng kanilang amo noong panahong nasa ibang bansa pa ito, kaya naman sana daw ay binigyan sila ng kahit kaunting konsiderasyon lalo na ngayong panahon ng krisis.

“Naging caretaker siya nung time na nasa abroad ang may ari ng bahay taga, linis ng dumi ng alaga nilang aso. Tapos ngaun ganyan ang gagawin sa kanila.” kwento ni Nicole.

Basahin ang buong post sa ibaba:

“Mga walang awa… kawawa naman po sila pinalayas sa inuupahan nila dahil hindi nakabayad.. Alam naman nila naka-lockdown at walang trabaho ang karamihan. Samantala ang laki ng tulong nila sa may ari nung nasa abroad pa sila ngayon hindi na nila kailangan, pinaalis na nila…

“Walang trabaho ang asawa niya ngayon dahil sa kumakalat na virus.. Naging care taker siya nung time na nasa abroad pa ang may ari ng bahay, taga linis ng dumi ng alaga nilang aso. Tapos ngayon ganyan ang gagawin sa kanila…

“Nasaan ang konsensya ng may-ari  ng bahay na apat na  pinapaupahan niya sa southville 8A. Ang dami samantala hindi siya botante dito walang pakinabang dito sa San isidro.

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment