Kahit gaano kahirap ang pagbubuntis, lahat ng ito ay napapawi kapag lumabas na ang munting anghel na nasa sinapupunan ng isang Ina. Sa kanilang anak umiikot ang mundo at nagbibigay kulay sa buhay nila.

Kaya naman labis labis ang pag-iingat at pag-aalaga ng mga magulang sa kanilang mga anak, upang masigurado na ligtas ang mga ito. Ngunit sa kasamaang palad, kahit gaano pa kaingat ay may mga bagay pa rin na hindi natin inaasahan.

You May Also Read:

‘Kindness never gets old’: Waitress, Hinangaan Dahil sa Ibinigay na Libreng Pizza sa Lalaking Nagugutom.

“Dreams are free” 64-anyos na Tricycle Driver Grumaduate ng BS Education sa Zamboanga, Hinangaan ng Publiko

Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.

Kagaya na lamang ng nangyari sa isang sanggol na ito. Sa isang iglap, hindi inaasahan ng nanay na ito na babawian ng buhay ang kanyang anak habang natutulog ito.

Nagulat na lamang daw sila nang mapansin nilang hindi na ito humihinga, at kahit anong gising nila dito ay wala na itong buhay.

Ayon kay Janna Desiree Gomez, ilang buwan na lang ay bibinyagan na ang anak nilang si Kallean Jayanna. Isinilang si Kallean noong September 5.

Ito sana ang kauna-unahang pasko na kasama niya ang kanyang pamilya, ngunit noong November 21 ay nagulat na lamang si Janna nang madatnang wala ng buhay ang anak.

Nang dalhin nila ito sa ospital ay dineklarang dead on arrival na ang sanggol. Ayon sa mga doktor na sumuri dito, Sudden Infant Death Syndrome o SIDS ang sanhi ng pagpanaw nito. Madalas itong nangyayari sa mga sanggol na mas mababa sa anim na buwan ang edad.

Ano nga ba ang SIDS? Ang Sudden Infant Death Syndrome ay mas kilala sa tawag na ‘crib death,’ dahil kadalasan ay nangyayari ito sa mga natutulog na sanggol. Ito ang third-leading cause ng mortality sa mga sanggol.

You May Also Read:

Matandang Nagtitinda ng Gulay, Pumayag Humalik Sa Paa Ng Isang Vlogger Kapalit Ng Pera


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment