Ang pagiging isang guro ay isang propesyun na may malaking responsibilidad na ginagampanan, bukod sa mayroon silang sariling pamilya ang kanilang mga mag-aaral ay parang parti na rin ng kanilang pamilya dahil marami sa mga guro ang lubusang napamahal na sa kanilang mga estudyante.
You May Also Read:
Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.
Kaya kahit magdaan man ang maraming panahon, ang mga mag-aaral ay hindi basta-basta makakalimot sa kanilang butihing mga guro kung saan ito ang humubog sa kanilia kung ano man ang kanilang narating sa ngayon. Katulad nga ng kwento ng buhay ni Lola Techie o kilala sa pangalang Virginia Benigno Malay na kamakailan ay naitampok sa Proramang Tunay na buhay ng GMA Public Affairs.
Si Lola Virginia ay nasa 100 anyos na, siya ay pinarangalan at kinilala bilang pinakamatandang kalahok sa isang virtual reunion.
Bukod pa diyan, si lola Virgie din pala ang kauna-unahang nakapag tapos sa UP-PGH sa kursong Nursing. Mahilig talaga si Lola Virgie na umattend sa mga reunions at ibang gathering ngunit na limitahan lamang ito ng mayroong pandemya sa bansa kaya sa mga zoom at ibang virtual application na lamang si Lola umaattend.
Mahilig din umano si Lola manuod ng Telebisyon at nabanggit nga ni lola na isa sa mga paborito at hinahangaan niyang artista ay ang beteranang aktres na si Gloria Romero, na siya pa lang estudyante nito noon sa Alaminos.
Kaya naman sinorpresa ng host ng naturang show na si Pia Arcangel ang dalawang lola at binigyan ng pagkakataon na magkita at makapagusap gamit ang makabagong teknolohiya.
Narito ang iilan sa kanilang naging masayang kamustahan:
Gloria Romero: “It’s so nice to see my teacher, wow!”
Virginia Benigno Malay: “I’m so proud of you, what you have reached as an actress and as a model pa!”
Gloria Romero: “Wow! Thank you thank you so much ho. Nakakaiyak naman na naaalala niyo pa ‘ko.”
Virginia Benigno Malay: “Oo naman, you’re so popular.”
Hindi nga nila akalain na magkikita at magkausap muli lalo na sa ganitong mga edad, pati mga nakasubaybay sa programa ay naging emosyonal din dahil sa pagtatagpo nilang dalawa.
Saad ng isang netizen, “One of our oldest livš¦ng actresses in the Philippines meeting her H.S. teacher, who is a hundred years old was really a one of a kš¦nd encounter for both Tita Gloria and Ma’am Virgie. Longer life and more blessings for both of them.”
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment