Sa bagong kurikulum ng DepEd nadagdagan ng ilang taon ang pag-aaral ng mga estudyante dahil sa tinatawag nilang K-12, upang ihanda umano ang mga kabataan na maging kapaki-pakinabang sa ganyang edad. Subalit maraming mga magulang ang hindi naman sang-ayon dito dahil dagdag gastusin lamang daw para sa kanila.
You May Also Read:
Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.
Sa Edad na 20 noon dapat ay tapos na ang isang mag-aaral sa kolehiyo at pwede nang makahanap ng trabaho. Ngunit sa ibang bansa may isang batang lalaki na nasa edad na 9-anyos ay nagtapos na ito sa kolehiyo.
Kumuha ng kursong Electrical Engineering sa Eindhoven University of Technology (TUE) sa Belgium. Ayon sa ulat ng CNN, si Laurent Simons na ang pinakabatang ga-graduate sa college sa buong mundo noong December 2019.
Sabi ng kanyang tatay na si Alexander Simons, may plano ring kumuha ng PhD sa electrical engineering si Laurent habang nag-aaral ng medisina. Ang pamilya ni Laurent ay mula sa pamilya ng mga doktor. Subalit, hanggang ngayon ay walang paliwanag kung bakit mabilis matuto ang bata. “I ate a lot of fish during the pregnancy,” biro ng nanay niyang si Lydia.
Pinayagan ng unibersidad na tapusin kaagad ni Laurent ang kanyang kurso kumpara sa ibang mga estudyante. “Special students that have good reasons for doing so can arrange an adjusted schedule. In much the same way we help students who participate in top sport,” sabi ni Sjoerd Hulshof na education director ng TUE. “Laurent is the fastest student we have ever had here. Not only he is hyper intelligent but also a very sympathetic boy,” dagdag pa nito.
Giit naman ng mga magulang ng batang genius, binabalanse pa rin nila ang buhay ni Laurent.
“We don’t want him to get too serious. He does whatever he likes. We need to find a balance between being a child and his talents,” sabi ni Alexander. Bago ipagpatuloy ni Laurent ang kanyang journey sa pag-aaral, may plano muna siyang magbakasyon sa Japan.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment