Kahit Hirap na Hirap Ang Sitwasyon, Nagbabanat ng Buto Pa rin si Tatay sa Kabila ng Kapansanan at Katandaan Para May Pangsuporta sa Pamilya.

Ano nga ba ang sukatan ng isang mabuting ama? Yun bang naibigay niya lahat ng inyong gusto? o yung hindi man niya maibigay lahat pero buhay niya naman ang nakataya upang masuportahan ang mga pangunahin ninyong pangangailangan?.

Maraming mga kabataan ang nangangarap na sana ay nagkaroon sila ng mayamang mga magulang para mabili naman nila ang kanilang mga gusto, ngunit ang di nila alam na mas naging matatag ang isang tao kapag ito ay mismong nakaranas ng mga pagsubok sa buhay.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Nakakahanga ang mga magulang na sa kabila ng kahirapan hindi sila sumusuko mas naging matatag sila at tulong tulong upang malamapasan ito.

Ang mga ama ay siyang naging sandigan ng kanilang pamilya, kaya dapat sila ay malakas upang magabayan ng wasto ang kanyang miyembro. Ngunit paano nga ba magagampanan kung ang haligi ng inyong tahanan ay mayroong kapansanan?

Isang nakakalungkot na sitwasyon ang ibinahagi ng netizen na si Rahma Ameer Iskak, ito ay larawan ng isang matanda na nagtitinda sa bangketa sa kabila ng kanyang kαραnsαnαn.

Hindi nakuha ni Rahma ang pagkakakilanlan ng matanda. Kalakip naman ng mga larawang ito ang caption ni Rahma na, “…buti pa si tatay, kahit hirap na hirap na siya sa kalagayan niya, kahit may sakit siya, nagagawa pa rin niyang maghanap-buhay ng marangal.

Makikita nga sa mga kuhang larawan na hirap si tatay sa kanyang trabaho pero mas nakikita ang determinasyon niya para sa kanyang pamilya.

May ilang nagtatanong kung bakit hinahayaan pa rin si tatay na magtrabaho ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang mga anak dahil kung maaari ay sa nag-papahinga na lamang ito sa kanilang tahanan at inaalagaan.

Dagdag pa ni Rahma sa kanyang caption,”Bakit ang anak, kayang tiisin ang magulang? Pero ang magulang, di kayang tiisin ang ank kahit hirap na ito… mabuhay lang niya kayo ng marangal.”

Kahit nga kita ang hirap ni tatay ay kinakaya parin nitong magtrabaho masuportahan lamang ang kanayng pamilya. Marami ang nagnais na mag-abot ng tulong kay tatay ngunit walang anumang impormasyong nailagay sa post tungkol sa kinaroroonan ni tatay.

“Mabibigo ka sa mga tao, ngunit hindi kay Allah. Kaya ang pagsisikap mo ay ibuhos mo sa kanya na tunay na nagbibigay ng biyaya.” Pangwakas ni Iskak sa kanyang post.

Ating patuloy na ipagdasal ang kalagayan ni Tatay at sana ay maabot na rin siya ng mga nais pang tumulong sa kanya.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment