Estudyanteng Walang Braso, Nagsusumikap Gamit Ang Mga PAA Sa Pagsusulat Upang Makapagtapos ng Pag-aaral.

Kung sa kabila ng paghihirap nating ngayon ay naisip mong tumigil sa pag-aaral, sana ay maging inspirasyon mo ang lalaking ito na sa kabila ng kanyang kapansanan ay nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral.

Naging viral sa social media ang post ng isang netizen patungkol sa kanilang kaklase na putol ang kanyang braso at tanging kanyang mga paa ang nagsisilbing kamay nito upang makasulat ng kanilang mga aralin.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Marami ang nahabag at nalungkot sa larawan ng lalaking ito, makikitang kanyang mga paa ang ginagamit niya pansulat sa kanilang pinsara at gayundin sa kanyang mga notebook at aralin.

Isinilang man na walang braso, patuloy parin ang pagpupursigi ng estudyanteng ito na mula sa paaralan ng Ballesteros Central School (BCS).

Nakaka-bilib mga ganitong klaseng tao na kahit sobrang hirap ng sitwasyon ay pinipilit parin na maabot ang mga pangarap.

Ayon sa post ng isang netizen na si Yan RB Avilo, si Dabbay ang nagiging inspirasyon at modelo ng lahat ng magaaral sa kanilang paaralan dahil sa ipinapakita nitong determinasyon para maabot ang kanyang mga pangarap.

“Siya po ang isang naging inspirasyon namin sa paaralang (BCS) BALLESTEROS CENTRAL SCHOOL dahil ipinapakita niya na kahit anong hirap ng buhay nya ay pumapasok sya kahit may kapansanan.” ayon kay Avilo

Naniniwala din si Avilo na kayang lagpasan ni Dabbay ang mga pagsubok na kanyang haharapin at sabay-sabay umano silang magtatapos sa pag-aaral.

“Alam namin kapatid kaya mo yan kaya samasama tayong makakapagtapos… kunting kembot na lng makakamit din natin ang tagumpay,” saad ni Avilo.

Basahin ang buong post ni Avilo sa ibaba:

“Kahit gaano kahirap ang sitwasyon niya pinipilit parin nya makapagtapos ng pag aaral.

“Dahil di daw hadlang ang kapansanan nya kaya sya nagsusumikap makapagtapos ng pag-aaral. Alam namin kapatid kaya mo yan kaya samasama tayong makakapagtapos, kunting kembot na lng makakamit din natin ang tagumpay.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment