Karen, May Mahalagang Paalala sa Kapwa Ina Na Wag Balewalain ang SINGAW dahil Lumamlam ang Kanyang Anak Dahilan Upang Isugod sa Emergency Room ng Hospital.

Bilang mga magulang kanilang prioridad ay ang kalusugan ng kanilang mga anak, kaya ang mga pangyayaring ito ay ibinabahagi din nila sa iba upang magsilbing aral at wag ng matulad pa sa ibang mga bata.

Isa na nga rito ay ang kilalang aktres na si Karen Reyes, siya ay nagbigay paalala sa kanyang kapwa ina matapos na maospital ang kanyang anak na si Lukas kamakailan.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Karen kung ano ang naging karanasan ng kanyang anak.

Karen Reyes nagbigay paalala sa kapwa niya mga magulang dahil sa nangyari sa kanyang bunsong anak - Pilipinas Trending

Ani Karen, napansin niya na may mga singaw ang kanyang anak na umabot hanggang sa lalamunan.

Pagbabahagi ni Karen, buong pag-aakala niya ay simpleng singaw lamang ito na mawawala din sa kalaunan kaya naman binigyan niya lamang ito ng gamot nang lagnatin na ang kanyang anak.

“November 4, nung nilagnat si Lukas akala ko non sa pagod lang. November 5 lunchtime, kumakain pa siya at nakakadede. Nung hapon I noticed ang pamumula ng gums niya. So when I checked it up, nakakita ako ng mga singaw hanggang sa lalamunan. So ako na singawin sabi ko mawawala din. So I gave him paracetamol lang for the fever,” ani Karen.

Karen Reyes may babala sa mga kapwa ina matapos ang sinapit ng anak

Nang subukan niyang magpa-checkup online, niresetahan umano ang kanyang anak ng antibiotic ngunit nahirapan din siya sa pagpapagamot dito.

“Nov 6 I’ve decided na ipa-teleconsult na siya so binigyan siya ng antibiotic. Ang hirap niya painumin dahil una, walang laman ang tiyan niya, pangalawa masakit ang bibig niya!” sambit ni Karen.

Nang mapansin na nahihirapan na ang kanyang anak, agad siyang nagdesisyon na ipa-ospital ito ngunit kinailangan umano nilang mag-antay ng bente kwatro oras para sa resulta ng swab test.

Karen Reyes nagbigay paalala sa kapwa niya mga magulang dahil sa nangyari sa kanyang bunsong anak - Pilipinas Trending

“So nung madaling araw iyak na siya ng iyak dahil hindi na nga siya makadede. So nagdecide na ako na ipaospital siya (the fact na ang hirap talaga magpa-ospital ngayon, dumagdag pa ang pasakit dahil before i-admit need mag-paswab para hindi na ma-isolate with other patients na may COVID symptoms so we have to wait for 24hrs para sa result ng RTPCR),” ani Karen.

Dagdag pa niya: “Nov 7, nanghihina na siya. Iba na din ang itsura ng mukha niya, lumalamlam na ang mata niya. Dahil nga hindi makakain at makadede.”

Matapos lumabas ang resulta ng swab, agad nilang sinugod ang kanilang anak sa emergency room.

“So lumabas ang result ng RTPCR, which is, Thank God, negative … dumeretso na kami ng ER. After few days, wala naman nakitang ibang infections aside from the SINGAW! Yes, naospital si Lukas ng dahil sa singaw. Dumagdag pa jan ang tonsilitis,” saad pa niya.

Ani pa niya: “My gad. Ang laking pahirap para sa kanya ng mga singaw na ‘to.”

Karen Reyes nagbigay paalala sa kapwa niya mga magulang dahil sa nangyari sa kanyang bunsong anak - Pilipinas Trending

“Sabi ng Doctor ang cause ng singaw is because mababa ang resistensya (so mga mommies, vitamins is REALLY A MUST tinigil ko kasi ang vits niya dahil iniluluwa nya lang ☹) and because of too much sweet tapos konti ang water intake,” dagdag pa niya.

Samantala, may paalala naman si Karen sa mga kapwa niyang ina at sinabing hindi dapat balewalain ang mga ganitong sitwasyon.

“Sa mga mommies out there, ‘wag nating balewalain ang mga mga singaw kahit isang maliit lang yan dahil pwede siya magspread sa bibig since it’s viral,” ani Karen.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment