Ika nga na “It’s better to give than to receive” dahil kapag mapagbigay ka sa iyong kapwa, mas lalo kang pagpalain ng Panginoon.
Sa isang negosyo napakahalaga na alagaang mabuti ang iyong mga tauhan dahil ibibigay din nila ang kanilang matapat na serbisyo, kaya masarap kapag nabigyan mong halaga ang iyong mga tauhan lalo na kapag napasaya mo sila.
You May Also Read:
Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.
Katulad na lamang sa ginawa ng isang farm owner na ito dahil sa pagkakaroon ng masaganang ani naisipan niyang dalhin ang kanyang mga tauhan sa isang fast food chain upag ilibre sila bilang pasasalamat sa kanyang mga tauhan.
Handog umano niya ito sa kanyang mga tauhan na masisipag at marami ang kanilang naani sa Surallah, South Cotabato.
Ibinahagi ni Josue Carmen Jr. sa social media ang pasasalamat at pagkilala niya sa kasipagan ng kanyang mga tauhang magsasaka dahil sagana ang kanilang ani ngayong Linggo sa pepper.
Ayon sa farm owner, sabay-sabay silang nananghalian ng kanyang mga tauhan dahil iyon nga nagkaroon sila ng kaunting celebration dahil sa kanilang magandang ani.
Bukod sa magandang ani ng farm owner at ng kanyang mga tauhan, double celebration pala ang nangyari dahil “first time” makatikim ng kanyang mga tauhan ng pagkain sa Jollibee.
“Sabi ko ‘maganda ang kita natin ngayong week, treat ko kayo.”
“Nagtanong ako, ‘nakakain na ba kayo sa Jollibee?’ Sagot nila hindi pa first time daw nila” dagdag pa niya.
Sa larawan makikita ang saya sa mukha ng mga lalaki habang kumakain. Sila pala ay mga indigenous people na miyembro ng T’boli tribe sa Lake Sebu.
Kwento ni Carmen sa pepper venture na sila nagkakilalang lima. Dahil sa kanilang kahusayan sa pagtatanim ng pepper ay nakatanggap na sila ng award ang Kabataang Agribiz Competitive grant mula sa Department of agriculture nito lamang Agosto.
Ang mga lalaki ay nakatira umano sa kabundukan ng Lake Sebu. Ang binatang si Nunoy na may pinakamalapad na ngiti ay nais makapag-aral. Nangako naman si Carmen na kapag maganda pa rin ang ani at kita sa Disyembre ay magbibigay siya ng bunos.
Saad ni Carmen, hindi lamang ang kanilang produkto ang kanyang pinapangalagaan kundi pati na rin ang kanyang mga tauhan.
“As we provide good products, we also make sure that we put our farmers first, give them good credits and let them enjoy what they do,” saad ni Carmen.
Sana ay gayahin din ng ibang employer ang ginawang pagpapahalaga ng farm owner na ito sa kaniyang mga tauhan. Godbless po sa inyong lahat.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment