73-Anyos, Tinaguriang Super Lola Dahil Iniinda ang Bigat na Paninda Bilang Breadwinner Sa Pamilya at Sa Mga Anak Nito, 4 na Brgy. Nililibot ni Lola.

Ayon nga sa kasabihan, kalabaw lang daw ang tumatanda, ito ay kadalasan naririnig natin sa mga matatandang patuloy pa ring kumakayod sa kabila ng kanilang edad.

Sa hirap ng buhay ngayon, kanya-kanyang diskarte na lamang ang ginagawa ng ating mga kababayan, kung hindi man makalabas sa kanilang tahanan ang mga kababayan natin, ang mga taga tinda na lamang ang lumalapit sa kanila.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Katulad nga ni Lola Angeles Merin na sa kabila ng edad ay todo kayod pa ito dahil breadwinner sa kanilang pamilya. Naging viral si lola dahil sa kanyang pagtitinda ng ice cream na halos 4 na Barangay daw ang nililibot nito.

Si lola ngayon ang inaasahan sa kanilang pamilya ang kanyang asawa ay may sakit at hindi na kayang tumayo pa. Na-str0ke umano ang kanyang asawa at hindi na makakapaghanapbuhay. Sa kanya rin nakadepende ngayon ang kanyang anak na babae dahil may karamdaman ito.

Ang asawa naman ng kanyang anak ay na-stroke rin kaya hindi rin ito makapagtrabaho. Kaya naman si lola Angeles ang inaasahan ng kanilang pamilya ngayon.

Sa kabila ng kanyang edad ay naglalako ang matanda ng ice cream sa apat na barangay sa Bulacan. Sinusuyod niya ang mga barangay upang makabenta lang ng ice cream.

Aniya, mahirap umano magbenta lalo pa at mabigat ang kanyang dala. Ngunit kinakaya ni lola para sa kanyang pamilya. Kilala si lola bilang super lola sa kanyang mga ka-barangay dahil sa kanyang sipag. Sa edad na 73-anyos ay matiyagang nagtatrabaho si lola.

Bilib naman ang mga netizen sa kasipagan ng matanda. Kayud-kalabaw ito at nagsisikap sa buhay upang mairaos ang pamilya. Marami umano silang gastusin kaya naman kailangan niyang magsumikap.

Bilang handog sa kanya ay nakatanggap naman si lola ng tulong mula sa programang Unang Hirit. Laking pasasalamat naman ni lola dahil malaking tulong na ang groceries para sa kanila.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment