Minsan ang pagkakaroon ng grupong kinabibilingan ay mayroong positibong hatid din sa iyong buhay, yung may magandang impluwensiya at dadalhin ka sa magandang kinabukasan. Kagaya nga ng grupong ito na mga motorcycle riders sa Northern Samar na nagmalasakit sa isang matandang lalaki na kinilala kay Tatay Venerando.
You May Also Read:
Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.
Si Tatay ay namumuhay na lamang na mag-isa at nasa edad na 80 na ang matanda na inabandona ng sarili niyang pamilya, dalawang taon na ang nakararaan Nakatira malapit sa ilog si Tatay Venerando Celespera sa Brgy. Dancalan at napansin ng grupo na lubhang mapanganib nang tirhan ang tagpi-tagping bahay ng matanda, gawa sa pawid at pinagtapi-tagping yero ang inabutan nilang tahanan ni Lolo.
Kaya naman nagtulong-tulong ang grupo ng rider na nakilalang si Dennis Carolino na ayusin ang tirahan ni Tatay Venerando at siniguro nilang magiging ligtas itong tirhan ng matanda kahit na malapit pa ito sa ilog. Upang mabigyan ng maayos na tirahan ang matanda mula sa Northern Samar ay nagtulungan ang mga grupo ng riders sa pagkalap ng donasyon, pagbili ng materyales, at pag-renovate ng mga sira ng bahay.
Walong oras ang itinagal ng pag-aayos na ito ng grupo na inabot pa ng ulan kaya bahagya pang natagalan. Inabot pa sila ng gabi sa paggawa kaya naman tinutukan na nila ito ng ilaw ng motorsiklo ang bahay upang matapos at makapagpahinga na rin si Tatay Venerando. Bukod sa pabahay, binigyan di ng grupo ng grocery items ang lolo kaya naman labis labis ang kasiyahang nadarama nito na mababakas sa mga larawang binahagi ng grupo. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay tulong ang grupo. Katunayan, ilang araw matapos nila itong gawin, isa namang lola na mayroong tagpi-tagping tirahan ang kanilang natulungan.
“For two years, pinabayaan siya ng pamilya niya. Butas-butas na ‘yong bubong tapos ‘yong yero na ginamit para sa walling ay galing lang sa mga sobra-sobra. Yung haligi, maliit din, so posibleng masira kaagad,” ani Dennis.
“The day ended and we were exhausted, but helping the people you don’t know and seeing them happy is the greatest happiness in the world,” sabi niya sa kaniyang post.
Sa isang panayam sa Latest Chika ay sinabi ni Dennis na masaya ang grupo nang makita nilang nakangiti sina Lolo at Lola kaya naman layunin nila na mas marami pang matulungan.
“We are open to any kind of donation to build more homes and to help more people.”
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment