Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari Kahit Pa Man May Sakit ang Anak.

Sa hirap na ating kinakaharap sa ngayon dulot ng pandemya, lahat nalang na klase ng trabaho ay pinapasok upang magkaroon ng salapi na maiuuwi sa pamilya. Pero paano nga ba kung isang araw ay may mapulot kang pera na napakalaki? Ano ang yung gagawin?.

You May Also Read:

Amang Basurero, Masayang Naipagtapos ang Anak sa Kolehiyo at Anak proud na Pinagsisigawang Basurero ang Ama.

Sa Wakas,Willie Revillame Pinakilala na sa Publiko ang Nag-iisang Anak na Lalaki na si Juamee.

20 MILYONG Halaga ng Tseke at mga Pera na naiwan sa Bag, Isinauli ng Tricycle Driver at Umani ng Papuri at Pagkilala.

Posibleng may taong itatago na lamang ito at hindi rin alam ng may-ari kung sino ang nakapulot, pero nangyari nga ito sa isang kababayan nating nagtatrabaho bilang basurero, sa kabila ng hirap na dinaranas niya ay di siya nagpatukso dito bagkus naging kahanga-hanga ang aksyong kanyang ginawa.

Siya ay si Emmanuel Romano na taga Baliwag, Bulacan. Bilang isang garbage collector, siya ay mayroon lamang napakaliit na sweldo na pinagkakasya sa pang araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya. Habang nangongolekta ng basura, siya ay nakatagpo ng isang plastic na naglalaman ng limpak-limpak na pera na may halagang halos kalahating milyon.

“Kinabahan po ako, nakita ko po yung pera, tinabi ko po muna sa gilid. Di ko po muna pinakita sa mga kasamahan ko.” wika niya. Nasa mismong palad na niya ang malaking halagang pera pero gayunpaman ay hindi sumagi sa kanyang isip na pag-interesan o ibulsa ang pera na hindi naman niya pinaghirapan. Malaking tulong na sana ito sa kanyang pamilya lalo na ang kanyang sanggol ay may sak!t at kailangang ipagawa ang kanilang bahay.

Ngunit mas nangibabaw ang kanyang kabutihang loob kaya naman nagtungo siya sa barangay para doon isauli ang napulot niyang pera. Nagkataon naman na may nagreport tungkol sa nawawalang pera.

Nang magkaharap si Emmanuel at ang may-ari ng pera ay tuwang tuwa ito. Paliwanag ng may-ari na kaya napunta sa basurahan ang pera ay dahil napagsaraduhan sila ng bangko at saka inilagay sa isang supot. Na akala naman ng kanyang mister na ito isang basura kaya ito ay naitapon sa basurahan.

Sobrang laki ng pasasalamat ng may-ari ng pera kay Emmanuel. Kaya naman bilang gantimpala ay binigyan ito ng tulong pinansyal at nangako ng iba pang tulong.

Kinilala rin siya sa lokal na pamahalaan at ginawang regular sa kanyang trabaho. Napatingin na rin nila ang kanilang sanggol sa isang duktor.

Mabuti na lamang at ang nakapulot ng pera ay may napakabuting kalooban.

You May Also Read:

Ama na Hindi Makabili ng Bagong Bag sa Anak, Ipinagtahi ng Bag ang Anak na Kinamangha ng mga Nakakita.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment