Talaga ngang masarap namnamin ang tagumpay kapag ito ay nagbunga dahil sa iyong pagsisikap na makamit ito. Hindi lahat ng mag-aaral ay umaasa lamang sa kanilang mga magulang dahil marami ang mas kumakayod upang masuportahan ang kanilang pag-aaral.
Kaya marami ang napabilib sa isang mag-aaral na si Jogie Papillera dahil sa lakas ng loob nito sa pagtitinda ng mga merienda upang may maidagdag sa budget niya para sa pag-aaral sa kolehiyo.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Napag-alamang isang OFW at factory worker pala ang mga magulang ni Jogie, kaya naman nagmalasakit pa rin siya na tulungan ang kanyang mga magulang sa pag-aaral sa kanilang magkakapatid.
Iang Iskolar din pala si Jogie sa San Sebastian College Canlubang kung saan siya nagtapos. Talagang sinikap niyang makapasa sa scholarship, para makabawas sa tuition fee ng maganda at maayos na paaralan niyang pinasok. Siya ay kumuha ng Bachelor of Science in Accountancy na kurso sa nasabing Paaralan.
Kwento ni Jogie sa kanyang speech noong pagtatapos, tindera ng merienda ang kanyang ina bago ito umalis sa bansa upang maging OFW. Dito siya nagkaroon ng ideya na gawin itong ‘sideline’ mula pa noong siya ay nasa elementarya, hayskul at maging noong siya ay nasa kolehiyo na. Bitbit niya ang mabigat na basket na puno ng kanyang paninda na Banana cue, Kamote cue, turon, carioca, lumpia, nilagang mais, mani, bilu-bilo. Sa dami pa nga raw ng dala niya, nanginginig na ang kanyang braso sa bigat at sa tindi init ng araw. Ngunit, pag-uwi niya, may dala na siyang bigas at ulam na kakainin ng kanyang pamilya.
Noong bata siya ay naranasan nilang magutom na pamilya at umabot sa puntong hiniling niya sa Diyos na ” Lord Kahit Tatlong Butil lang po ng Kanin”.Pinayuhan niya ang kanyang kapwa na wag mag-aksaya ng pagkain. Di maiwasang marami ang mangantyaw sa kanyang ginagawa, pinagtatawanan siya niloloko pero iniiyak na lamang daw niya ito at nilalabanan ang mga negatibong binabato sa kaniya. Noong siya ay nasa kolehiyo na, pag mahaba ang kanyang bakanteng oras, umuuwi siya para magluto ng mga merienda, pagbalik niya sa paaralan, ititinda na niya ito habang wala pa rin siyang klase.
Kaya naman pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang naging suki, dahil sa malaki raw talaga ang naitulong ng mga suki niya sa kanyang pamilya. Magsilbi daw sana itong inspirasyon sa ibang mag-aaral. Kung noon ay pangarap lang niyang makapagtapos di niya akalaing maging Cum Laude pa ito kaya doble ang kaniyang kasiyahan at maipagmalaki sa magulang.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment