Isa sa problemang hinaharap ng mga kababayan natin ay ang tinatawag na underemployment, marami tayong mga graduates taon-taon subalit hindi sila makatrabaho sa kung saan sila nararapat dahil sa kakulangan din ng available na position sa mga kompanya.
You May Also Read:
Halimbawa nga nito ay ang ating mga nurses, marami ang nagtapos subalit hindi lahat ay nakapasok at nagtatrabaho na inline sa kanilang mga kurso, dahil mas madaming mga nurses ang mas pinipiling magtrabaho bilang call center agent.
Kung sila nga na tapos sa kolehiyo at nasa batang edad ay hirap makapasok sa trabaho, paano nalang kaya ang iba nating kababayang nasa matandang edad na ngunit gusto pa ring magtrabaho ng marangal para ibuhay sa kanilang sarili at pamilya?
Hindi po ito imposible para kay Tatay Rotello na nasa 73-anyos na. Walang pagsidlan ang kasiyahan ni Tatay Rotello Escanilla nang matanggap ito sa trabaho bilang isang Call Center, dating nag salesman si Tatay Rotello at nahinto sa pagtatrabaho taong 2008.
Mula noon ay pahirapan na para sa kanya ang makapag hanap muli ng trabaho dahil sa kanyang edad, ngunit sa kanyang pagtatyaga ay muli syang nag apply sa isang BPO Company at maswerteng natanggap.
Sa katunayan ay may mga anak si Tatay Rotello ngunit may kanya-kanya ng pamilya ang mga ito, ayaw rin humingi ng tulong ni Tatay Rotello sa mga ito upang humingi ng perang financial.
Bilang isang ama ay hindi tungkulin ng kanyang mga anak ang tulungan sya sa kanyang pagtanda, sapat ng napagtapos niya ito ng pag-aaral at sundin ang nais gawin ng mga ito sa kanilang mga buhay.
Tanging si Tatay Rotello nalamang ang mag-isang bumubuhay sa kanyang sarili dahil pumanaw na ang kanyang may bahay noong 2016
Bagaman nabalot ng kalungkutan ang magiting na ama ay nagpahinga lamang ito sa kanyang trabaho, at makalipas lamang ng ilang buwan na pamamahinga ay muli itong bumalik sa kanyang trabaho bilang isang Call Center Agent.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment