Maraming mga kwento-kwento patungkol sa mga kayamanang ibinaon daw noong unang panahon, patunay nito ang mga kakaibang yaman na nahukay ng ating mga ninuno, mga pera, alahas, kagamitan tulad ng mga banga, minsan may kasama pa ngang bomba bilang proteksyon dito.

You May Also Read:

Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.

Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas

Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.

Katulad na lamang ng ibinahagi ng Israel Antiquities Authority ang hindi inaasahang pagtuklas sa isang lumang gusi na nilagyan pa ito ng pako sa gilid upang hindi gumalaw. Napag-alamang ang nakahukay ng mga nasabing barya ay isang kabataang volunteer sa isang  excavation site na planong pagtayuan ng mga kabahayan.

Pagsasalaysay ng excavation director na si Liat Nadav-Ziv, “The person who buried this treasure 1,100 years ago must have expected to retrieve it and even secured the vessel with a nail so that it would not move.We can only guess what prevented him from returning to collect this treasure,”

Di inakala ng batang volunteer na si Oz Cohen na napakahalaga ng kanyang nahukay dahil buong akala niya ay mga nalagas na dahon ang kanyang nahukay ngunit ng tiningnan niyang muli ang lumang gusi ay naglalaman ng napakaraming baryang ginto.

Aniya, “When I looked again I saw these were gold coins. It was really exciting to find such a special and ancient treasure,”

Ang mga 24- karat na barya ay may bilang na 425 piraso na may kabuuang bigat na 845 grams na pinaniniwalaang nagmula pa sa 9th century.

Hindi lamang basta basta ang mga baryang ito pagkat mayroon itong mukha ni Byzantine emperor Theophilos na talaga namang napaka bihira lamang ang mayroon.

Sa kasalukuyan, sinabi sa kanila na ang mga baryang iyon ay maaaring maging kapalit ng isang magarbo at malaking bahay sa Fustat na nooý Ehipto na itinuturing na mayamang kabisera noon.

Hindi na bago sa atin ang mga patungkol sa mga kayamanang nahukay, maraming patunay na totoo ang mga ito kung kaya’t mag masid-masid tayo minsan sa lupa, baka nandyan lang din ang swerte na mag-aahon sa atin.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment