Isang sumpaan na maririnig mo tuwing may kinakasal ay “Til Death Do Us Part”, gaano kaya kalalim ang paninindigan ng mag-asawa sa mga salitang ito? Katulad kaya ito ng pag-iibigan ng magkasintahang sinuong ang baha para lang makasal sa simbahan?
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Sa buhay may asawa ay hindi mawawala ang mga pagsubok at matinding problema, kaya maraming netizen ang humanga sa pinakitang determinasyon ng dalawa para lamang matuloy ang isang napakahalagang parti ng kanilang buhay.
Pinakita nilang kahit bagyo o baha man ay hindi sila mapipigilan. Ang magkasintahang ito ay kinilala na sina Ronil at Jeziel Guillepa ng Brgy. Luyang, Mabinay. Kahit nasa kasagsagan ng Ulan at baha ay hinamak nilang dalawa para sa kanilang kasal.
Makikita sa mga larawan na nilulusong nilang dalawa kasama ng ilan nilang miyembro ng pamilya ang baha habang nakasuot ang groom at bride ng kanilang trahe.
Ayon sa pakikipanayam ni Ronil sa GMA, “Di po mapipigilan ang pagmamahalan naming dalawa. Tagal ko ‘tong pinaghandaan ‘tong pagkakataong pakasalan siya. Kahit anong bagyo pa ang darating o ano pang pagsubok, kayang lampasan”
Saad pa niya, nakaramdam daw siya ng kaunting kaba na baka umurong ang kaniyang bride at hindi na magpakasal sa kaniya. ayon naman kay Jeziel na bride, mas matimbang daw ang kaniyang pagmamahal kay Ronil kaya maging baha ay tinawid niya makapunta lang sa simbahan.
Bilang suporta ng pamilya at kaibigan, dumalo pa din sila sa kasalan ng dalawa at masaksihan ang kanilang walang humpay na agos na pagmamahalan.
Sana naman ay malampasan nila ang mga hamon bilang mag-asawa, katulad ng pagpapakita nila ng halaga sa isa’t-isa.
0 comments :
Post a Comment