Ang pag-aalaga ng mga hayop ay isang magandang libangan dahil nawawala minsan ang mga stress na ating dinaramdam dahil sa naaaliw tayo sa kanila. Kadalasan na mga alagang hayop na ating nakikita ay ang mga aso, pusa, ibon, isda at iba pa.
You May Also Read:
Ginang sa South Cotabato Nagsilang Umano ng Ahas na May 2 Talampakan ang Haba.
Galit na Misis, Sinunog ang Motor ni Mister Matapos mahuli sa bahay ng Kabit at Ayaw Lumabas
Batang Nakabaon ng 140 years, Nahukay sa Nire-Renovate na Bahay.
Ang mga aso at pusa ay mas kadalasang inaalagaan dahil may mga silbi rin ito maliban sa pagiging alaga mo. Taga bantay ng bahay at taga habol ng mga dagang pagala-gala. Katulad ng tao, bawat hayop ay may kanya-kanya ring pag-uugali na naiiba sa ibang hayop na kauri nila, katulad na lamang sa alagang pusa na ito ng isang netizen.
Ang pusang si Jordan ay alaga ni BJ Ross, ayon kay BJ nagugulat na lamang siya na tuwing umaga ay may mga kakaibang pares ng sapatos ang tumatambad sa labas ng kanilang bahay.
Noong una ay inakala niyang wala lamang ito hanggang sa umabot na ito ng 50 pares. Makikita sa mga larawan na tila proud pa si Jordan sa kaniyang ginawa.
Dahil hindi naman malaman ni BJ kung kani- kanino ang mga ninakaw na sapatos ng kaniyang alaga, nag gawa siya ng isang Facebook group na kung saan doon nila tinatalakay ang mga ginagawa at kinukuha ni Jordan upang maibalik ito sa may- ari.
“If y’all know my cat Jordan, y’all know he loves to bring me home shoes!” saad niya.
Nag install din siya ng mga CCTV cameras para sa mas matibay na ebidensya na si Jordan nga ang nangunguha ng mga nawawalang sapatos.
Matapos mapag alaman ni BJ ang secret life ng kaniyang alaga, nilagyan niya ito ng GPS tracker. Ngunit laking gulat niya nang nakita ang haba ng nilibot nito. lumalabas na inikutan ni Jordan ang lahat ng bahay na malapit sa kanila.
Ayon pa dito, pinag hahandaan daw talaga ni Jordan ang kaniyang pagnanakaw sa gabi pagkat katakot- takot na tulog daw ang ginagawa nito tuwing may araw.
Maaaring ang ibang pusa ay kabiyak lamang ng sapatos ang kayang iuwi, ngunit ibahin mo si Jordan pagkat kaya niyang iuwi sa kaniyang amo ang isang pares ng sapatos!
Kada gabi ay nakakayanan niyang maglakad ng 7- 8 na milya.
Kakaibang pusa nga talaga si Jordan, pero mabuti at nasubaybayan din ito ng amo niya.
0 comments :
Post a Comment