May mga magulang na sa kabila ng kanilang katandaan ay mas nanaisin pang kumayod kaysa umasa sa kanilang pamilya o mga anak. Marami sa kanila ay di natin alam ang tunay na kwento ng buhay pero nakaka-awa na sila ay masilayang nagbabanat pa ng buto imbes na magpahinga na lamang.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Ito ang nakaka antig na kwento ng dalawang Senior Citizen, sila ay kinilala na sina Lola Gloria at Luisa, mayroon silang mga anak pero ayaw nilang maging pabigat sa mga ito kung kayat sa kabila ng kanilang katandaan ay nagsusumikap pa rin sila upang masustentuhan ang kanilang pangangailangan.
Sina lola Gloria, 74 anyos at lola Luisa, 64 anyos ay sinusuong ang peligr0 sa pagsisid sa dagat upang manguha ng sea urchin sa Boracay.
“Ngayon, matanda na kami. Siyempre, hindi na kami nakakatagal lumangoy sa ilalim ng dagat,” kwento ni lola Gloria.
“May kanya-kanyang pamilya na ‘yung mga anak namin. Ayaw rin naman naming maging pabigat. Kaya pinagpapatuloy pa rin namin ‘to.”
Kwento ni lola Gloria, ang pangunguha na ng sea urchin ang kanilang nalakihan na trabaho dahil ito rin ang naging trabaho ng kanilang magulang. Bagamat nahihirapan sila dahil may edad na ay hindi naman sila maaaring tumigil.
Ang pagsisid lamang umano ang inaasahan nila upang magkapera at makabili ng kanilang makakain. Aniya, sapat na sa kanila kahit konti lang ang makuha dahil ang importante ay magkalaman lang ang kanilang sikmura.
Saad ni lola Gloria, naranasan na niya na minsan kape lang ay kaniyang inuulam para lang mairaos niya ang kumakalam na sikmura.
“Kapag konti lang ang nakuhang tirik at maliit lang ang kita, kape lang ang inuulam namin. Para mainitan man lang ‘yung sikmura namin,” saad ni Lola Gloria.
“Delikad0 ‘yung trabaho namin, pero ganoon talaga. Wala naman kaming magawa.”
“Senior na ako. Kaya wala akong ibang hanapbuhay na puwedeng pasukin dito sa Boracay. Lalo na ngayong pand3mic. Kaya itong pagkukuha ng tirik ang ginagawa ko.”
“Gumagawa talaga ako ng paraan kahit isang baso lang ang makuha ko sa dagat. Para man lang may pambili kami ng bigas,” dagdag ni Lola Luisa.
Kagaya ni lola Gloria, may pamilya na rin ang kanyang mga anak at ayaw rin niyang maging pabigat sa mga ito. Kaya kahit matanda na nagsisikap pa rin sila upang mabuhay nila ang kanilang mga sarili.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment