83-anyos na Inang Maysakit, Sinisikap pa ring Magtrabaho Kahit Hirap ng Magtulak, Para sa Kaniyang Anak.

Bawat Ina ay hangad ang makapagpahinga sa kanilang pagtanda kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Kaya noong sila ay malakas pa, lahat kanilang ginagawa upang paghandaan ang kanilang kinabukasan. Ngunit tila hindi lahat ng mga magulang ay humahantong sa isang magandang buhay matanda, dahil marami pa rin ang kumakayod at binubuhay ang mga anak.

You May Also Read:

Dalagang Isa Lamang ang Binti, Nilalakad ang 4KM Na Layo at Umiiyak Dahil Nagawa Niyang Mapagtapos ang Pag-aaral.

91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.

Isang halimbawa nito ay ang walang kapantay na pagmamahal ng isang Ina sa kanyang Anak, isang kwento ng 83- anyos na si Lola Jacinta at anak niyang si Krisanta Balagtas.

Kilala sa tawag na “Sinta” si Lola Jacinta, sa kabila ng kanyang katandaan ay kinakaya pa ring maglako ng mga gulay araw-araw para mabuhay ang kanyang bμlαg na anak na si Krisanta. Kahit sa ganitong edad ay tinitiis niya ang makapaghanap buhay para mayroon silang makain sa araw-araw.

Kada 4am ng madaling araw ay aalis na si Nanay Jacinta ng bahay upang mamili ng mga gulay sa Divisoria. At pagsapit ng alas 7 hanggang 8 ng umaga ay magsisimula na siyang magtinda ng mga gulay sa mga eskinita ng Navotas gamit ang kanyang maliit na kariton.

Sa kanyang edad ay hirap na siyang makatayo ng matuwid lalo na’t tinutulak pa niya ang kanyang mabigat na kariton sa mga lubak-lubak na daan maitinda lamang ang kanyang mga panindang gulay. Sa buong araw ng pagtitinda ay kumikita lamang siya ng Php200 hanggang Php300 kada araw.

Ang perang ito ay ang ginagamit nila ng kanyang anak upang may ipangbili ng makakain. Bukod kay Krisanta ay mayroon pang ibang mga anak si Nanay Jacinta ngunit ayaw niyang humingi ng pera o umasa sa mga ito dahil mayroon na rin silang kanya-kanyang mga pamilya.

Kung iisipin ay napakahirap ng buhay nilang mag-ina dahil walang ibang aasahan ang kanyang anak kung hindi ang kanyang ina. Kahit na si Nanay Jacinta ay nakakaranas din ng sariling karamdaman tulad ng hypertensi0n ay hindi niya ito iniinda at iniinuman na lamang niya ito ng gamot at saka tuloy pa rin ang pagtatrabaho.

At ang hiling lamang ng mapagmahal na ina ay sana ay humaba pa ang kanyang buhay upang maalagaan pa niya si Krisanta dahil kung nawala na siya kawawa rin ang kanyang bulag na anak dahil wala nang mag-aalaga dito.

You May Also Read:

“Antigong Aparador” sa Apartment Na Tila Nababalutan ng Misteryo, Natuklasan ng Dalagang Boarder ang matagal ng Lihim.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment