Gumanti ang isang photographer sa UK matapos niyang kuhanan ng mga litrato ang kasal ng kaibigan ngunit ‘di man lang binigyan ng oras na kumain.
Ayon sa ulat ng the Mirror, sa Reddit kinuwento ng isang photographer kung paano siya inalok ng kaibigan na kumuha ng litrato sa kanilang kasal dahil nais nitong makatipid.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Pumayag naman daw siya at siningil ang tropa ng $250 para sa 10-oras na serbisyo.
Gaya ng napagusapan, sinundan ng photographer ang couple sa lahat ng kanilang pinuntahan sa araw ng kasal para makunan ang mga ito.
Wala rin siyang tigil sa gitna ng seremonya at sa reception.
Kwento pa ng photographer, nagsimula siyang mabadtrip nang ‘di siya pakainin kasabay sa oras ng pagkain ng mga bisita, dahil kailangan din raw kunan ng litrato ang mga ito.
“I was told I cannot stop to eat because I need to be a photographer; in fact, they didn’t save me a spot at any table,” aniya.
Sa pagod at gutom, kinompronta na niya ang groom.“He tells me I need to either be a photographer or leave without pay. With the heat, being hungry, being generally annoyed at the circumstances, I asked if he was sure, and he said yes, so I deleted all the photos I took in front of him and took off saying I’m not his photographer anymore,” kwento ng photographer.
Sino nga kaya ang tama sa dalawa? tama ba ang ginawa ng photographer ?
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment