Bawat isa sa atin ay gumagawa ng paraan upang magkaroon ng pagkakitaan lalo na sa panahon ngayon na lubhang napakahirap dahil sa pandemyang ating kinakaharap. Maraming mga Kompanya ang nalugi at nagbawas din ng kanilang mga staff dahil sa wala ng kita dulot ng paglaganap ng v1rus.
Naging patok ang trabaho ng mga rider kung saan sila ay nagdedeliver ng mga pagkain o anu mang parcel mula sa mga taong umoorder online. Sa kanilang pagtatrabaho, tinitiis nila ang hirap, init,pagod at magutom sa gitna ng trabaho.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Ngunit sa kabila ng pagsisikap dapat ay wag din nating kalimutan na alagaan ang ating mga sarili upang patuloy tayong makapaghanapbuhay at mabigay ang pangunahing pangangailangan ng pamilya, kaya katulad ng rider na ito, walang pili sa lugar kung saan siya kakain para magkalaman ang kanyang tiyan.
Marami ang naantig sa larawang ito ng rider kung saan siya ay kumakain sa gilid ng kalsada kahit walang mesa,upuan o kahit ano pa man basta mapunan lamang ang kumakalam na tyan upang kahit paano ay magkaroon ng lakas upang magpatuloy sa biyahe at pagdedeliver.
Hindi madali ang ganitong trabaho dahil ang iilang kostumer ay hindi lumalabas at minsan pa kinacancel sa kalagitnaan ng order kaya dapat nating suportahan at magkaisa tayo gayon din na ituring natin sila ng maayos sapagkat sila ang nagpupursiging magdeliver ng ating mga order at mga pangangailangan natin. Sila ay nagtatrabaho din ng marangal kaya karapatdapat din silang e respeto at bigyang halaga.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment