Naging laman ng usap-usapan ang isang facebook post na nagmula pa sa bansang Thailand na ibinahagi ng isang netizen, nangyari daw ito ng siya ay pumunta sa isa sa mga mall doon.
Hindi inaasahan ng netizen na kinilala kay Palakorn Tesnam na ang nakitang 81-anyos na matandang lalaki ay isa palang retail assistant at ang magbibigay sa kanya ng payo ukol sa mga karanasan sa buhay.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Ayon kay Tesnam, isang matanda umano ang nagtanong sa kanya kung kailangan niya ng shopping cart.
Tinawag ni Tesnam na uncle Pracha ang matanda sa kanyang post at ikinuwento ang kanilang mga napag-usapan habang siya ay namimili.
Kwento ni Tesnam, si uncle Pracha ay 81-years old na at nagtratrabaho mula 9am hanggang 7pm bilang isang retail assistant sa isang mall.
Kung dito sa Pilipinas ay hindi na gaanong tinatanggap ang mga nasa edad 60 pataas na magtatrabaho sa mga mall dahil karamihan dito ay nag eenjoy na lamng ng kanilang retirement benefits.
Sa kanilang kwentuhan, nabanggit ni uncle Pracha na meron siyang isang kompanya noon at mayroong halos 200 na empleyado. Dagdag nito, wala umano siyang totoong kaibigan kaya nang bumagsak ang kanyang kompanya ay iniwan siya ng kanyang mga inakalang kaibigan.
Sa ngayon, bukod sa pagiging retail assistant, nakagawian na umano ni uncle Pracha na makipagkwentuhan at makinig sa mga kwento ng kanyang customers.
Binigyan rin niya ng magandang payo si Tesnam.
“Don’t drink alcohol, don’t smoke… Don’t be stressed, know how to let go.”
But most importantly – don’t be too serious. It’s not good for your health.”
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment