Isa sa mga pangarap natin kung bakit tayo ay kumakayod sa buhay ay upang makapagpatayo ng isang tahanang komportable para sa pamilya. May masisilungan sa init at ulan at maayos na pahingahan pagdating galing sa trabaho.
You May Also Read:
91-Anyos na Matandang Gumagapang, Napakanta sa Kabila ng Kapansanan.
Subalit, nakakalungkot na marami din ang hindi kayang magkaroon ng komportableng tahanan, sila ay pilit na nakukuntento na lamang sa kung ano ang kaya nilang maipatayo na kadalasang materyales ay galing pa sa mga patapong bagay.
Isa na nga sa nakaranas nito ay si Lolo Rogelio Tabangcura, 68-anyos na nakatira sa Barangay Nanerman, Sto. Domingo, Ilocos Sur. Si Lolo Rogelio ay naninirahan sa isang literal na bubong, walang haligi, pinto at bintana. Sa edad ni Lolo Rogelio ay dapat komportable na siyang naninirahan.
Sa kabutihang palad ay may isang OFW na nagbigay sa kanya ng tulong upang magkaroon siya ng maayos na tahanan. Kinilala ang concerned netizen na si Krishna Tobia.
Umaasa lamang noon si Lolo Rogelio sa kanyang kapatid na nagbibigay sa kanya ng pagkain paminsan-minsan. Salat din sa buhay ang kapatid ni Lolo Rogelio kaya hindi din siya matulungang mabigyan ng komportableng tahanan.
Umaapaw ang biyaya na natanggap ni Lolo Rogelio matapos na magpatayo ng bahay ang OFW na si Krishna. Nakalikom si Krishna ng $2,000 o halos Php100,000 para sa pagpapatayo ng tahanan ni Lolo Rogelio.
Ang nalikom na pera ay sapat na para sa pangbili ng materyales sa pagpapagawa ng magiging bagong tahanan ni Lolo Rogelio. Sa wakas ay magiging komportable na din ang pamumuhay ni Lolo Rogelio at ligtas na din siya sa loob ng bahay.
Mabuti na lamang ay tinulungan siya ng isang mabuting tao na si Krishna at ang ilang tao din na nagbigay ng tulong para sa kanya. Naging kasangkapan si Krishna upang mabigyan ng mabuting tahanan si Lolo.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment