Pagbabahagi Ng Isang Netizen Tungkol Sa Kaniyang Asawa Na Nais Maging Bride,Usap-usapan Ngayon Sa Social Media!

Ang kasal ang siyang pinakamahalagang yugto sa buhay ng dalawang taong nagmamahalan. Ang okasyong ito ay espesyal para sa kanila at dinadaluhan ng mga taong malalapit sa pamilya.

You May Also Read:

Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!

Mag-Ama, Pinagtatawanan at Kinakantyawan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw, Sir Raffy Tulfo Nahabag dahil Imbes na Kalabaw ang Naghihila,Tao ang Gumagawa.

Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Sa panahon ngayon, bago ang kasalan ay marami pang nagaganap katulad na lamang ng mga photoshoot na noong unang panahon ay hindi pa ito nadiskubre at napa uso. Talagang marami na ang nagbago kasabay ng pag unlad rin ng teknolohiya sa mundo.

Ang mga panahon bago ang kasalan ay kadalasan puno ng excitement at saya, katulad na lamang sa ibinahagi ng isang netizen kung saan ang kanilang photoshoot ay naging kaaliw-aliw dahil daw ang kanyang groom ay nais na maging isang bride.

Ibinahagi ni Sah Jimenez sa kaniyang social media post kung paano siya nagulat noong makita niya ang mga larawan ng kaniyang asawa kasama ang mga groomsmen nito.

Ayon kay Sah, kahit ang kaniyang sariling asawa ay mas kinabog pa ang kaniyang photoshoot dahil sa nakakatuwa ngunit magandang pose at facial expression nito sa mga larawan.

Saad ni Sah sa kaniyang online post,

“Ako lang ba yung may asawang ganito? Pati mga groomsman niya nadamay sa mga bet niyang shoot HAHAHAHAHA. Please sabihin niyo na hindi lang ako!

“Tawang tawa rin ako sa SDE. Talagang ginalingan niya! Pangarap niya raw kasing maging bride. Nagulat ako sa mga eksena niya hahaha.

“Bida bida! Magaling pa sakin mag-pose pose hahaha. Parang nahiya na ako i-post mga pictures namin, may nanalo na eh hahaha.”

Sa mga larawan na kuha ng Chris Galang Creative Photoworks, makikita na ginawa talaga ng asawa ni Sah ang lahat ng kaniyang makakaya para siya ay magmukhang fresh at flawless bride.

Samantala, kaagad naman na naging viral sa social media ang naturang post at umani ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

Talagang kakaiba nga ang kanilang photoshoot, nawa’y ang sayang hatid nito sa kanila ay manatili habang sila ay nagsasama.

You May Also Read:

Biyahe ng Eroplano, Biglang Pinahinto Matapos Malamang May Itinatago ang Flight Attendant Sa Suitcase Nito.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment