Di maiiwasan na minsan ay mahusgahan ang isang tao batay sa kanyang pisikal na kaanyuan. Marami namang mababait daw na tao pero nasa loob pala ang kulo nito, at yung akala natin minsan na masama at maingay ay sila pa pala ang mga taong may mabubuting puso.
You May Also Read:
Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!
Katulad na lamang sa nag viral na larawan na lumabas sa social media kung saan ang isang lalaki na nakasuot ng crop-top at tadtad ng tattoo sa katawan ay hindi pala basta-basta lamang, kundi siya pala ay isang hari na pinakamayaman sa buong mundo. Marami kasi ang nag-aakala na isa lang itong ordinaryong tao na pa tambay lamang.
Walong beses itong mayaman sa reyna ng United Kingdom na si Queen Elizabeth II, dalawang beses na mas mayaman sa hari ng Saudi Arabia na si King Salman, at higit na mas mayaman sa Sultan ng Brunei na si Hassanal Bolkiah.
Isa sa pinakakontrobersyal na monarkiya sa kasaysayan, ating kilalanin ang hari ng Thailand na si Maha Vajiralongkorn.
Si Maha Vajiralongkorn na may opisyal name na King Rama X ay ang ika-sampung hari ng Chakri dynasty ng Thailand. Ito ay matapos ang pagp4naw ng kaniyang ama na si King Bhumibol Adulyadej noong Oktubre 2016. Mayo 4, 2019 ang opisyal na koronasyon nito na ginanap sa Grand Palace sa Bangkok at ginastusan ng $31-M o humigit kumulang na P1.5-B.
Si Vajiralongkorn ay may estimated net worth na $43-B o humigit kumulang dalawang trillion pesos. Ang kabuoang halaga ng royal assets ay hindi baba sa $70-B. Ang ilan sa mga pag-aari ni Vajiralongkorn ay ang 38 na mga aircrafts, kabilang na ang 4 Boeing Commercial Jet, 3 Airbus Commercial Jet, 3 Sukhoi Superjet 100, 4 Northrop F-5E Eighter Jet, at 21 na helicopter.
Si Vajiralongkorn ay malimit makitang nagbibisikleta kapag sa ibang bansa. Ngunit sa Thailand, nagmamay-ari ito ng pinakamahal na mga kotse sa buong mundo. Katulad na lamang ng Rolls Royce Silver Cloud III na may presyo na $1-M, Rolls Royce Phantom IV na nagkakahalaga ng $1.1-M, Mayback S600 Pullman na $1.4-M, Rolls Royce Silver na may presyo na $2-M, at marami pang iba.
Nagmamay-ari din ito ng 16,000 acres ng lupain sa Thailand na pinauupahan sa mga negosyante at mga mamamayan. Pag-aari din nito ang The Grace Palace Complex na siyang opisyal residents ng mga hari mula pa noong 1785 ngunit ngayon ay ginagamit na lamang ito tuwing may ceremonial activities ang royal family.
Sa ngayon ang Hari ng Thailand ay nakatira sa eleganteng Dusit Palace. Ang Dusit Palace Complex ay may kabuuang lawak na 64,749 square meters at tinatayuan ng labing tatlong Royal residents. Kabilang na ang Amphorn Sathan Residential Hall na opisyal na residents ng Hari na si Vajiralongkorn. Ang Siam Paragon, Siam Discover, at Siam Center Mall ay ilan lamang sa mga sikat na mall sa Bangkok na nakatayo sa lupain na pag-aari ng Hari. 24% stake ng Siam commercial bank at 33% stake ng pinakamalaking industrial company ng Siam Cement Group ay pagmamay-ari din nito.
Ang isa sa patunay ng kapangyarihan ng Hari ng Thailand ay ang batas na ‘Mes Majeste’. Bawal insultuhin, pagsabihan ng masama, at pagbantaan ang kanilang Hari at mga miyembro ng royal family. May karampatang parusa ito ng pagkakakulong ng tatlo hanggang labing limang taon.
You May Also Read:
0 comments :
Post a Comment