Isang Bata, Matiyagang Nag-aabang ng Mamimili Ng Kanyang Mga Panindang Kabute Kahit Na Tirik Ang Araw

Ang dapat sana ay oras ng kanilang pagpapahinga at paglalaro sa kanilang kapwa bata ay naging oras para sila ay magtrabaho upang makalikom ng pera pantulong sa kanilang pamilya.

Ganito ang ginagawa ng iilang kabataan sa Cordillera, makikitang nagtitinda ang batang ito sa daan habang tirik ang araw ng mga kabute sa mga nagdadaang motorista. Karamihan daw sa mga kabataan doon ay ganito na ang ginagawa, ang pangongolekta ng mga kabute o mushroom na kung tawagin nila ay bo-o. Ito ay mga organic mushrooms na binibili rin ng kanilang kapwa mga lokal dahil sa health benefits na hatid nito.

You May Also Read:

Babae nag Viral, Matapos na Matapang niyang Pinakita sa Publiko ang Kaniyang Kili-Kili!

Mag-Ama, Pinagtatawanan at Kinakantyawan Dahil Nagsasaka ng Walang Kalabaw, Sir Raffy Tulfo Nahabag dahil Imbes na Kalabaw ang Naghihila,Tao ang Gumagawa.

Balut Vendor, Malungkot na Pinupulot ang mga Nagkalat na Paninda Matapos Ang Ginawang Pangungumpiska ng mga Awtoridad.

Kung kayat ang batang si Jessie Almoza ay matiyagang naghihintay sa gilid ng kalsada na may motoristang dumaan upang bumili ng kanyang mga paninda. Sa unang tingin ay akala mo ay tila isang batang nagpapahinga lang sa maliit na ginawang silong na ito.

Ngunit kung maririnig siya ay sinisigaw niya ang kanyang paninda na kung tawagin nila ay “bo-o.”

Sa kanyang maliit na pwesto ay doon siya naghihintay na may bumili kahit na tirik at mainit ang araw. Ang kanyang munting silong ay nasa kahabaan ng Sitio Camisong, Loacan, Itogon, Benguet.

Habang wala pang pasok sa eskwela dahil sa dulot ng ραndεmүα ay tulong na rin ito ni Jessie sa kanyang pamilya. Ang mga kinikita ni Jessie sa pagtitinda ng kabute ay kanya ring iniipon sa isang plastic na bote para sa mga gagastusin niya kapag bumalik na siya sa pag-aaral.

Ang mga magulang niya ay wala namang permanenteng trabaho.

Ang tatay nito ay nα-ιstrσkε at ang kanyang ina at kapatid ay maagang gumigising upang umakyat ng bundok para mangolekta ng mga kabute na siya namang ititinda ni Jessie.

Ito ang pangunahing kabuhayan ng kanilang pamilya. Kung kayat ganito na rin ka-determinadong magtinda ang grade 4 student na ito.

Dahil bukod sa ito ang nakakapagtawid sa kanyang pag-aaral ay ito na rin ang bumubuhay sa kanilang pamilya.

Hinangaan naman ng mga netizens ang pagiging madiskarte at masipag ni Jessie sa murang edad pa lamang.

Kahit bata pa lamang siya ay tumutulong na siya sa kanyang pamilya at nag-iipon para na rin sa kanyang kinabukasan.

You May Also Read:

Biyahe ng Eroplano, Biglang Pinahinto Matapos Malamang May Itinatago ang Flight Attendant Sa Suitcase Nito.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment