Isang malaking problema ang trapiko sa bansa, lalo na sa lungsod ng Maynila na naging overcrowded na dahil sa daming tao at pribadong sasakyan. Hanggang ngayon ay wala pa ring permanenteng solusyon kahit pa man ipa -iral ang matinding disiplina sa mga tao.
Di naman pwedeng pagbawalan ang mga tao sa paglalakbay dahil parti ito ng kanilang trabaho, isang malaking aksaya ng oras ang hatid ng trapiko, kahit pa man hindi kalayuan ang trabaho mo ay tiyak hindi ka aabot sa tamang oras.
You May Also Read:
Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.
Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita
Lalo pa ngayong panahon na mas ninanais ng tao na sumakay sa pribadong sasakyan para maka-iwas sa hawaan na dulot ng pandemya sa buong bansa.
Isa sa mga naging paraan ng pamahalaan ay ang paglagay ng mga MMDA Enforcer sa daan upang magabayan ang mga tao at maging maayos ang daloy ng trapiko. Subalit, hindi inaasahan minsan na may mga aberyang nagaganap sa gitna ng daan, kaya itong ating mga magigiting na enforcer ay nag-aalay rin ng tulong para hindi lubusang maka-apekto sa trapiko.
Kaya may isang enforcer na namataan kamakailan na nagbigay ng tulong sa isang taxi driver na nasiraan ng sasakyan sa gitna ng kalsada.
Subalit, imbes na hangaan ng isang netizen ang ginawang pagmamagandang loob ni Manong Enforcer, tila ito ay kanya pang minasama.
Ayon sa naturang netizen ay sayang lamang daw ang pasahod sa MMDA enforcer na ito dahil sa halip na asikasuhin ang daloy ng trapiko ay inuna pa niyang tulungan ang nasiraang Taxi driver.
Ayon na rin sa mga taong nakasaksi ng tunay na nangyari, hindi naman inaasahan at hindi sinasadya ng driver na siya ay masiraan ng sasakyan sa gitna ng kalsada. Bagamat nagdulot talaga ito ng matinding trapiko ay hindi ito kinagalit ng MMDA enforcer na nakatalaga sa lugar na iyon.
Bagkus ay siya pa mismo ang tumulong upang maitabi ang sasakyan at matulungan ang driver na makumpuni ang kaniyang minamanehong taxi. Salungat sa naging opinyon ng galit na netizen, maraming mga netizens ang nagtanggol at pumuri sa enforcer na ito dahil hindi man sakop ng kaniyang trabaho ang pagtulong sa mga nasisiraang driver ay talagang nagkusa siya at nagmalasakit dito.
Kung mas marami sanang mga tao ang magiging matulungin at maunawain tulad niya, tiyak na mas maraming mga buhay ang maililigtas lalo na sa mga nangyayaring away-trapiko sa ating bansa sa araw-araw.
0 comments :
Post a Comment