Lalaki, Nagpapanggap na isang “Ideal boyfriend” sa Kaniyang mga Nobya, Isa palang Scammer at Mayroong Utang na Mahigit Php1 Milyong Piso!

Paano nga ba malalaman kung tunay nga ba ang pagmamahal ng isang tao sa iyo? “Love is Blind” daw pero wag naman sanang umabot sa punto na parang ginagamit ka lang para sa mga materyal niyang gusto.

You May Also Read:

Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.

Pasahero, Nabahala sa Kasamang Babae dahil Sa mga Gold at Pera nito na Nakalabas sa Bag, Pero ” SANA ALL” daw.

Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita

Ito yata ang ginagawa ng isang lalaki na kinilala sa pangalang Eric. Na ayon pa sa balita, marami itong nililigawang mga babae at kanyang ginagamit lamang para makuha ang kanyang mga gusto.

Parang pinag-aralan na niya ang mga steps na gagwin upang mabilis na mahulog ang loob ng isang babae sa kanya. Sa umpisa ay kukuhanin nito ang loob ng babae, liligawan, magiging nobya at saka niya ito uutangan ng pera na hindi na niya ibabalik pa. Mayroon pa ngang ilang mga larawan ng pakikipag-usap niya sa kaniyang mga nobya at tila ba nanghihingi siya ng “allowance”.

Minsan ng naitampok sa programa ng GMA na “Kapuso Mo Jessica Sojo” ang mga karanasan ng kanyang nabiktimang mga babae. Kung kukuwentahin ay hindi raw bababa sa 50 na mga kababaihan ang kanyang na huthutan. “Sa laki ng kanyang katawan ay di niya kayang magtrabaho ng mabuti para mabuhay” iilan lamang sa mga naging komento ng mga netizen.

Ilan sa mga babaeng nabiktima na niya at na-scam ay itinago na lamang sa pangalang Lily, Leslie at Beverly.

Ayon sa salaysay ni Lily, Hunyo 2020 nang magkakilala sila nitong si Eric sa isang dating app. Sa unang date nila ay umutang agad ito ng Php2,000 sa kaniya na agad din naman nitong ibinalik ng kinagabihan.

000

Mas dumalas pa ang pangungutang ni Eric kalaunan. Umabot na rin sa puntong siya na mismo ang sinisingil ng mga tindera dahil sa nautang ng kaniyang nobyo.

Umabot na sa Php70,000 ang utang sa kaniyang ni Eric. Halos nasa Php40,000 naman ang nautang niya kay Leslie dahil sa diumano ay nasa ICU daw ang kaniyang ina hanggang sa ito ay mamatay na at hindi na nabayaran pa ang utang sa kaniya. Ayon naman kay Beverly, nanghiram muna ng Php5,000 si Eric sa kaniya hanggang sa umabot na ito sa mahigit Php10,000 dahil din diumano sa kaniyang ina na nasa ICU ng mga panahong iyon.


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment