Ang taong masipag at madiskarte ay daig pa ang taong matalino na naka dependi lamang sa kanyang trabaho. Ang pagiging successful sa buhay ay hindi lamang dala ng swerte, ito ay bunga rin ng inyong pagsisikap at determinasyong makamit ang inaasam na pangarap.
You May Also Read:
Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.
Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita
Hindi naman dapat sikat ang paninda mo, dapat ay may kalidad din para tangkilikin ng mga taga bili mo.
Isang pangarap lamang noon ng Ginang na maka-ipon ng malaking pera, subalit di niya akalaing matutupad ito ng dahil sa kanyang pagtitinda.
Mula sa Marinduque, siya ay nakapag-ipon ng nasa P160,500.00 sa loob lamang ng isang taon ng dahil sa pagtitinda ng ice candy.
Viral ang Facebook post ni ginang Riz Red Moreno kung papaano siya nakaipon ng libo-libo sa pagtitinda ng ice candy.
Kwento ni Moreno, araw-araw tuwing nagbabantay siya ng kanilang tindahan eh gumagawa siya ng ice candy. Dalawang kaserola umano ang nagagawa niya, isang mangga at isang buko flavor.
Aniya, sa bawat kaserola ay nakakagawa siya ng 165 pieces na ice candy at binebenta niya ito ng 5 pesos bawat isa.
Ang tubo niya sa bawat kaserola ay 400 pesos kaya ang lumalabas na kita niya ay 800 pesos para sa dalawang kaserola.
Upang masigurado ang kanyang ipon ay agad hinuhulog ni Moreno ang 500 pesos sa lata at ang 300 pesos naman ay itinatabi niya upang pambayad ng kuryente.
Sa kanyang post ay hinikayat ni Moreno ang mga kapwa niya nanay na gawin rin ang kanyang ginagawang pag-iipon.
“kaya nyo rin makaipon sipag tyaga lang talaga at disiplina pag dating sa pera,” sabi ni Moreno.
0 comments :
Post a Comment