Ang social media ay may malaking papel ngayon sa ating henerasyon. Ito ay isang daan para sa ating mga kababayan na makakalap ng agarang tulong sa ating kapwa. Heto ang ginawa ng netizen na si Marilou Mendoza kung saan ginamit niya ang kanyang personal account sa Facebook para ipakita ang kalagayan ng isang lola na kumakayod para sa kanyang pamilya.
You May Also Read:
Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.
Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita
Siya ay si Lola Marilou Mendoza Labanes, gumagawa ng barbecue sticks sa Brgy. Bal-ason Gingoog City, Misamis Oriental. Kwento ni Marilou, kasama ng lola ang anak niya subalit may sakit naman ito sa pag-iisip kaya hindi niya maasahan na maghanapbuhay.
Ang pinagkakakitaan ng matanda ay ang paggawa ng barbecue sticks na nagkakahalaga lamang ng ₱5 sa kada 100 na piraso.
Labis na nakakadurog ito ng puso dahil sinisikap ni lola na maka-500 para lamang magkaroon siya ng ₱25 na siyang pagkakasyahin nila para sa kanilang pamilya at apo. Nabuntis kasi ng di kilalang lalaki ang kanyang anak sa kabila ng sitwasyon nito kaya naman siya rin ang nag-iintindi maging sa kanyang apo. Ipinambibili na lamang daw ng lola ang kanyang kita ng mais at mayroon ding mga nagbibigay sa kanila ng bigas na siyang pinagkakasya nila sa araw-araw.
Aminado si lola na sa hirap ng buhay, nais na sana niyang sumuko. Subalit nagkaroon ito ng pag-asa nang dumating ang mga tulong sa kanya. Matapos kasing mag-viral ang post ni Marilou, panay na ang dating ng mga taong nagmamalasakit sa matanda kaya nadadalhan sila ng maayos na pagkain at tulong pinansyal.
Labis itong pinagpapasalamat ni lola at hindi niya inaasahan ang mga biyayang ito na kanila ngayong tinatamasa ng kanyang munting pamilya.
0 comments :
Post a Comment