Nagtrending ang kakaibang kinawiwilihan ng batang ito na sa musmos na edad ay dapat bote ng gatas ang hawak-hawak sa kanyang mga kamay, inuubos ang oras sa paglalaro at pagtulog upang lumaking malakas at malusog.
Subalit, sa edad na 2 taon kakaiba ang pinakitang interest ng batang ito. Siya ay si Ardi Rizal, di halatang sa kanyang edad at tindig ay may kakaiba pala itong hilig.
You May Also Read:
Netizen, Naawa sa Kalagayan ni Tatang na Naging Palaboy na sa Daan at May Kapansanan.
Lalaki, Ginustong Maging “Black Alien” Pinatanggal ang Labi at Ilong, Subalit Hirap na Magsalita
Ayon sa kanyang mga magulang, unang beses nasubukan ni Ardi na manigarilyo noong sya ay 18 months old pa lamang o isa’t kalahating taong gulang. Aminado rin sila na dulot ng kanilang kapabayaan, labis na nawili sa paninigarilyo ang kawawang musmos hanggang sa umabot na sa puntong hindi na sya mapigilan o maawat sa pagwawala kahit pa mismo ng kanyang sariling mga magulang sa tuwing tumatanggi silang bigyan sya ng yosi sa tuwing naghahanap ito.
May mga natamong sugat at bukol sa ulo si Ardi dahil kapag hindi nabigyan ng sigarilyo ay nag ta-tantrums ito.
Sa musmos na edad, walang alam ang bata sa tama at mali kung kaya’y di niya alam ang kapahamakang pwedeng idulot ng yosi sa kanyang katawan. Daig pa daw niya ang mga matatanda kapag humihithit . Umaabot sa 40 stick o 2 kaha ang kanyang nauubos sa isang araw.
Dahil sa kakaibang aksyon ng bata, dinayo pa siya ng foreign press dahil sa alarmang idinulot ng kanyang video na nag-viral sa buong mundo. Marami naman ang nagpahayag ng kanilang reaksyon ng kanilang napanuod ang bata at puno ng galit at pagkadismaya sa mga magulang ng nito.
Sa kabilang banda, naging hudyat naman ang pagkalulong ng nasabing bata sa sigarilyo sa mas pinaigting at pinalawak pang kampanya ng WHO o World Health Organization laban sa paninigarilyo. Agad ding inaksyunan ng mga otoridad ang pangyayari kung saan kinailangang isailalim sa rehabilitasyon ang bata para matulungan at mailayo sa naturang maling gawain.
0 comments :
Post a Comment