Batang BreadWinner, Doble ang Trabaho para Maipagamot ang mga Magulang na May Sakit at Buhayin ang Pamilya.

Ang mga bata ay sinasabing pag-asa ng bayan. Kaya sa kanilang murang edad, dapat ay nasa paaralan sila at natututo ng mga mabubuting asal at iba pa.

You May Also Read:

2-Taong-gulang na Bata,Sigarilyo ang Hanap mula pa 18 mos. old, 40 Stick ang Nauubos sa isang Araw.

Babae, Ikinagulat ang Pagbubuntis Kahit isa pa raw siyang “Birhen”. Papaano nangyari?

Sa Edad na 74-Anyos, Araw-araw Sumisisid ng Barya si Lola sa Dagat upang may Panggastos sa Pamilya

Subalit, karamihan sa mga kabataan sa ngayon ay hindi na makatunton sa paaralan dahil naging malaki na ang kanilang responsibilidad sa kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng isang batang bread winner na ito na hindi lamang isa kundi doble ang ginagawang pagkayod para maipagamot ang mga magulang niyang may sakit at matustusan ang pang araw-araw na pagkain.

Marami ang humanga sa batang kinilala kay Manny dahil sa kanyang sipag sa pagtatrabaho para suportahan ang pangangailangan ng kanyang mga magulang.

“Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako.”- saad ng bata.

Todo kayod si Manny dahil walang ibang maghahanapbuhay sa kanila dahil baldado ang kanyang ama at may Tuberculosis naman ang kanya ina, kaya sa murang edad nito ay natuto na syang magbanat ng buto.

Para matustusang ni Manny ang kanilang gastusin ay nagtitinda ito sa umaga ng mga walis, Sponge, tabo at iba pang gamit sa bahay. Sa gabi naman ay naglalako naman sya ng balot.

Kahit may Pandemya ay matyagang naghahanapbuhay ang bata dahil ito lang ang alam niyang paraan para matulunan ang mga magulang.

Ito ang Post sa Page ng GMA Public Affairs,

“BATANG BREADWINNER, DOBLE-KAYOD PARA MAIPAGAMOT ANG MGA MAGULANG AT BUHAYIN ANG PAMILYA

Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako.”

Baldado ang ama at may Tuberculosis naman ang ina ni Manny. Kaya naman, sa murang edad siya na lang ang inaasahan ng kanilang pamilya.

Hindi naman niya alintana ang magbanat ng buto pero mas naging mahirap ang kanilang kalagayan nang pumutok ang pandemya. Kinailangan niya tuloy isantabi ang paglalaro para matustusan ang kanilang mga pangangailangan.

Tuwing umaga matiyagang binabaybay ni Manny ang mga baranggay sa North Caloocan para magtinda ng walis, sponge at iba pang gamit sa bahay. Pagdating naman ng hapon hanggang gabi, nag-iikot muli si Manny para naman maglako ng balut. Ito lang kasi ang nakikita niyang paraan para buhayin ang kanyang pamilya. | Wish Ko Lang”


About Jov

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 comments :

Post a Comment