Dahil sa pandemya, gumawa ng paraan ang Department of Education na maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral sa ibang pamamaraan na ligtas at hindi mailagay sa pahamak ang kanilang kalusugan.
You May Also Read:
Kawawang Magkakapatid,Tinitiis Kainin ang Toyo, Niyog at Asin Matapos Maulila sa mga Magulang.
Ang distance learning ay naipatupad at pinagbabawal muna ang face to face classes habang wala pang bakuna sa c0vid-19. Ang pag-aaral ay ginagawa sa pamamagitan ng online, videocall, chat o anu mang klaseng platform, habang ang mga nasa publiko at malayong lugar ay naka modular naman.
Ang module ay isang libro kung saan napapaloob ang mga aralin ng estudyante at mga aktibidad na kailangang sagutan at ibabalik sa guro bilang batayan ng kanilang nalalaman.
Subalit, nitong mga nakaraang buwan, mukhang nasa hotseat ang Department of Education dahil sa pagpuna ng mga netizens ng mga kamalian na nakikita sa mga module. Mga hindi angkop at mga may maling nakasulat.
Isa sa mga topiko na binatikos rin ng mga netizens ay ang tungkol sa pamilya ng isang magsasaka na iginuhit na gula-gulanit ang mga damit.
Bukod sa mga damit na sira-sira, may bata rin sa drawing na hub0’t hubad.
“Ang mali po at ang nakakabahala ay ang unang larawan… Walang problema sa kwento, ang mali ay ang unang illustration at ang nag-approve niyan,” ayon sa isang nakapansin.
Naiparating na raw niya sa DepEd ang kaniyang reklamo tungkol sa hindi magandang pag-stereotype sa mga magsasaka.
Sa mga komento sa Facebook post ng GMA News tungkol sa larawan, maraming netizens ang nagpahayag na hindi dapat maliitin ang mga magsasaka.
Ang ibang nagkomento, sinabing hindi dapat kalimutan na nanggagaling sa mga magsasaka ang mga kinakain ng tao tulad ng bigas at mga gulay.
0 comments :
Post a Comment