Naantig ang mga netizen sa pamamalimos ng isang na-stroke na PWD para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa lungsod ng Marikina. Umabot kasi sa higit P12,000 ang kanyang napalimos at ibinigay sa mga apektado ng bagyo.
You May Also Read:
Ilog sa Nueva Ecija, May Elemento raw na Nangunguha ng mga POGING Turista?
Lalaki, Labis ang Pagsisisi ng Ibenta ang Kidney Para Makabili ng iPhone.
Sobrang Kawawa: 85-anyos na Matanda, Binuhusan ng Anak na Tomboy ng Pagkaing Baboy.
Ayon kay Jasper Justo, isang volunteer sa lungsod sa relief operations at namahagi ng mga larawan, inakala nila na hihingi ng tulong si Romeo Menil o “Mang Romy” na akay-akay ng isang lalaki papasok ng City Hall.
Nagulat daw si Justo at kaniyang mga kasamahan nang ipresenta ni Mang Romy at ng kagawad na akay-akay siya na mula Antipolo, ang P12,390 na ipinalimos niya para i-donate sa pamahalaang lungsod ng Marikina para daw sa mga apektado ng bagyo.
“Itong si Mang Romy Menil… namamalimos po pero hindi po para sa kanya kundi para po pala sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses sa Marikina. Nagulat kami lumapit sila Mang Romy at ‘yung Kagawad kay Mayor Marcy Teodoro para po makausap at para po daw magbigay ng tulong at personal na i-abot ‘yung pera na naipon ni Mang Romy sa kanyang pamamalimos sa kalsada,” ani Justo sa panayam sa ABS-CBN News.
Kuha ang mga larawan mag-a-alas-4 nitong Lunes sa City Hall, ayon kay Justo.
“Hindi hadlang ang karamdaman para makatulong… Imbes na para sa kanyang mga pangangailangan ilaan gastusin ito, bagkus ito ay kanyang ibinigay para sa mga taga Marikina na nasalanta ng Bagyong Ulysses,” dagdag niya.
Naantig si Justo sa ginawa ni Mang Romy at sinabing nakaka-inspire ang ginawa nito. Halos maiyak na nga lang daw ang mga nandoon dahil sa donasyon ng PWD.
Makikita rin sa mga larawan na ibinahagi sa ABS-CBN News na pirmado pa ng barangay chairman sa Mambugan, Antipolo ang donasyon.
“Nakaka-touch po at halos lahat noong nandun ay medyo naiyak dahil ‘yung isang PWD na namamalimos na akala natin ay manghihingi ng tulong eh s’ya pa pala ‘yung magbibigay ng tulong para sa mga taga Marikina. Sobrang nakaka inspire, na kung sino na ang wala eh s’ya pa ‘yong tumutulong,” sabi ni Justo.
0 comments :
Post a Comment